29 rice retailers ng Bulacan tumanggap ng P15,000 cash assistance
Mon Lazaro September 17, 2023 at 02:35 PMLUNGSOD NG MALOLOS — Dalawampu’t siyam (29) na rice retailers sa Bulacan ang nakatanggap ng P15,000 na cash assistance bawat isa mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI) nitong Huwebes.
Ang natanggap na insentibo ng mga magbibigas ay mula sa Sustainable Livelihood Program-Cash Assistance for Micro Rice Retailers na tugon ng DSWD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga maliliit na negosyante ng bigas na naapektuhan ng implementasyon ng Executive Order No. 39 o ang pagpapatupad ng price ceiling sa bentahan ng regular-milled at well-milled na bigas.
Ayon kay Carlo Padilla ng DSWD Central Office, dumaan sa apat na hakbang ang mga benepisyaryo na kinabibilangan ng pagsasailalim sa beripikasyon tulad ng pangalan, tirahan at pagpresenta ng balidong ID.
Sumunod naman ang profiling na aalamin kung saan gagamitin ang rice subsidy, releasing at photo documentation.
Labing-tatlo sa rice retailers ay mula sa Lungsod ng Malolos, anim mula sa Lungsod ng San Jose del Monte, apat mula sa bayan ng Pulilan, tatlo mula sa bayan ng Balagtas, dalawa mula sa bayan ng Plaridel at isa mula sa bayan ng Paombong.
Ayon kay Department of Trade and IndustryOIC-Assistant Regional Director at concurrent Provincial DirectorEdnaDizon,ang mga napiling benepisaryoay sumailalim sa kanilang on-site monitoring kung tumutugon ang mga ito sa Executive Order No. 39 at kumpleto ng mga dokumento tulad ng business name registration at business permits.
Sinabi pa ni Dizon na inaasahan na magiging normal na ang suplay ng bigas at stable na presyo sa merkado sa pagpasok ng panahon ng anihan ngayong Setyembre hanggang Oktubre.
Photo: DTI-Bulacan