Cash aid, ipinamahagi sa PUJ drivers sa Mandaluyong
March 31, 2026 at 05:06 PM
MANDALUYONG CITY — Patuloy ang pamamahagi ng cash relief assistance para sa mga Public Utility Jeepney (PUJ) drivers sa Mandaluyong alinsunod sa direktiba ni Ferdinand Marcos Jr.
Isinagawa ang distribusyon noong Marso 30, 2026 sa Atrium ng Executive Building, sa pagtutulungan ng City Social Welfare and Development Department, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Layunin ng programa na magbigay ng agarang tulong-pinansyal sa mga tsuper upang makatulong sa kanilang gastusin sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Pinayuhan ang mga benepisyaryo na tiyaking kabilang ang kanilang pangalan sa listahan ng LTFRB at magdala ng orihinal at photocopy ng kanilang professional driver’s license para sa maayos na pag-claim ng ayuda.
📷 Mandaluyong City PIO FB