Bagong Caloocan City Hall – North nagsimula na ang konstruksyon
Reggie Vizmanos August 13, 2023 at 08:51 PM![](https://arkipelagonews.com/wp-content/uploads/2024/01/image-700.png)
Pormal nang sinimulan ang pagtatayo ng bagong Caloocan City Hall – North.
“Mas maganda, mas moderno, at mas malawak na espasyo at mga pasilidad ang magagamit ng ating mga kawani sa paghahatid ng aksyon at malasakit sa inyong mga pangangailangan,” sabi ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony para sa proyekto.
![](https://arkipelagonews.com/wp-content/uploads/2024/01/image-701.png)
“Sa loob lamang ng ilang taon, magkakaroon na ng katuparan ang ating pangako sa mga taga-north noong panahon ng kampanya,” dagdag niya.
Sinabi pa ng alkalde na marami pang nakalinyang mga programa, proyekto at serbisyo na inihahanda ng LGU sa mga susunod na araw para sa kapakanan ng mga residente ng lungsod.
![](https://arkipelagonews.com/wp-content/uploads/2024/01/image-702.png)
Nakiisa sa groundbreaking ceremony sina City Vice Mayor Karina Teh, District 1 Representative Oscar “Oca” Malapitan, mga konsehal ng lungsod at mga opisyal ng mga departamento ng LGU.
Una rito ay nag-abiso rin ang lokal na pamahalaan na pansamantalang inilipat sa ibang lokasyon ang mga tanggapan ng pamahalaang lungsod na nasa papalitang lumang city hall building.
Nagbigay rin ng mensahe si Congressman Oca Malapitan kung saan inilahad niya na sa pagpapatayo ng bagong city hall ay mas maraming negosyo pa ang maaaring pumasok sa lungsod na makapagbibigay ng oportunidad at trabaho sa mga taga-Caloocan.
Photo: Mayor Along Malapitan FB