| Contact Us

Caloocan LGU handa na sa 3-araw na tigil pasada simula Lunes

Paulo Gaborni July 24, 2023 at 02:00 PM

Nakahanda na ang lokal na pamahalaan ng Caloocan para sa tigil- pasada sa Lunes.

Ayon kay Mayor Dale “Along” Malapitan, handa silang tulungan ang mga residente at pasahero na maaapektuhan ng tatlong araw na tigil-pasada ng mga public utility vehicles (PUV) simula Lunes, July 24, hanggang Miyerkules, July 26.

Gayundin, inilagay sa red alert status ang 24/7 Caloocan Emergency Hotline (02) 888-25664 para sa mga importanteng pangangailangan.

“Asahan niyo po na mananatiling handa at nakaantabay ang inyong pamahalaang lungsod upang umalalay sa mga apektadong pasahero,” wika ng alkalde.

“Tinatawagan ko rin po ang lahat na paghandaan ang epekto ng tigil-pasada bago pa umalis ng bahay para maka-iwas tayo sa anumang oras,” dagdag niya.

Nagpalagay din ng contact persons ang Public Safety and Transport Management Department (PSTMD) ng lungsod para sa agarang tulong ng mga pasahero at ng publiko.

Ayon kay PSTMD Officer-in-Charge Engr. Gilberto Bernardo, titiyakin nila ang kaligtasan ng mga pasahero. Humiling din siya ng kooperasyon ng publiko sa mga kawani ng PSTMD.

“Kaugnay na rin po ng utos ni Mayor Along, pananatilihin po natin ang kaayusan at kaligtasan ng mga pasahero lalo na ngayong may tigil-pasada. Hiling ko lang po ay maging maayos ang pakikipagtulungan natin sa mga operatiba ng PSTMD,” ayon kay Engr. Bernardo.

Ang tatlong araw na tigil pasada ng mga PUV ay bilang protesta sa “public utility vehicle (PUV) modernization program” at kasabay ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Lunes.

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last