Communal garden sa Barangay Minuyan Proper, umani ng mahigit ₱4k halaga ng gulay
Mike Manalaysay January 30, 2026 at 05:31 AM
LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE — Ibinahagi ng Phase 1 Homeowners Association ng Barangay Minuyan Proper noong Enero 28, ang nalikom na kita mula sa kanilang communal garden. Ang nasabing ani ay bahagi ng programang “Sili sa Barangay: Clean and Green Program” ng Pamahalaang Lungsod at ng barangay.
Ayon sa pamunuan ng HOA, umabot sa mahigit ₱4,000 ang kabuuang benta mula sa mga aning gulay gaya ng talong, sili, pechay, at mustasa. Ang halagang ito ay magsisilbing karagdagang pondo ng asosasyon para sa mga susunod na proyekto at aktibidad na pakikinabangan ng komunidad.
📷 Barangay Minuyan Proper