Dalawang warehouse nasunog sa Lungsod ng Meycauayan
Mon Lazaro November 8, 2023 at 09:30 PM
LUNGSOD NG MEYCAUAYAN — Dalawang warehouse sa Barangay Libtong sa lungsod na ito ang nasunog nitong Martes ng gabi at naapula ng tanghali nitong araw ng Miyerkules.
Ang dalawang warehouse ay imbakan ng mga paninda at mga gamit sa paaralan na naiulat na nasunog bandang 9:00 ng gabi at base sa pahayag ni Fire iSupt. Jeanette Jusayan, Bulacan BFP provincial director, ay nadeklarang fire out bandang 12:11 nitong tanghali ng Miyerkules.
Umakyat sa ikaapat na alarma ang sunog, na kinailangan ang 16 na fire trucks para maapula ito.
Samantala, wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente at inaalam pa ng fire investigators ang dahilan ng sunog at halaga ng mga napinsalang ari-arian.
Video by Arnulfo Andoy