Day care workers sa Bocaue, ginawang regular na empleyado
Jose Leoncio June 3, 2023 at 03:07 PM
Apat na day care workers sa bayan ng Bocaue ang ginawaran ng permanenteng posisyon ni Mayor Jonjon Villanueva.
Ayon sa pahayag ng Punong Bayan, matagal nang nagsisilbi sa kanilang bayan at karapat-dapat na ipromote sina Cherry Ann dela Cruz, Ricel Mateo, Cristy delos Reyes, at Angie Luya. Masaya sila nang ianunsyo ang kanilang promosyon at batiin sa Facebook page ng kanilang Punong Bayan.

“Congratulations Cherry Ann dela Cruz, Ricel Mateo, Cristy delos Reyes, at Angie Luya. Deserve nyo ang promotion! Siguradong mas lalo nyo pang pagbubutihin ang inyong trabaho,” ayon sa pahayag.
Sa kanyang komento sa post, sinabi ni Cristy delos Reyes na mas lalo nilang gagalingan ang kanilang pagtatrabaho.
“Maraming salamat po Mayor Jonjon Vilanueva sa pagpapahalaga sa amin… Lalo po naming paghuhusayan ang aming paglilingkod bilang mga daycare workers God bless po ….To God be the Glory !!!”
Malaki rin ang pasasalamat ni Angie Luya na pinapahalagahan ng Pamahalaang Bayan ng Bocaue ang kanilang mga ginagawa.
“Thank you so much po Mayor Jonjon JJV Villanueva sa pagmamahal nyo po sa aming mga DayCare Workers at pagtanggap po sa amin higit po sa lahat sa inyo pong pagmamalasakit ,nawa po patuloy pa po kayong pagpalain ng ating Panginoon upang marami pa po kayong matulungan.Makakaasa po kayo na mas pagbubutihan p po nmin ang aming paglilingkod sa mga batang DayCare sa ating bayan ng Bocaue.God bless po. TO GOD BE THE GLORY,” aniya.
Ipinaliwanag din ni Mayor Villanueva na kasama sa kanyang mga plano ang gawing permanente ang iba pang mga day care worker at mga karapatdapat na kawani sa munisipyo ng Bocaue.
Photo: Mayor Jonjon Villanueva FB