| Contact Us

Entry ng Caloocan itinanghal na grand winner sa Short Film Festival ng DSWD-NCR

Reggie Vizmanos October 10, 2023 at 05:10 PM

Itinanghal na grand winner ang maikling pelikula mula sa Caloocan sa Short Film Festival 2023 ng Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR).

Tampok sa naturang festival ang mga isinapelikulang kuwento ng buhay, pakikipagsapalaran at tagumpay ng mga maralitang pamilya tulad ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na tinutulungan ng pamahalaan sa pamamagitan ng DSWD.

Grand Winner ang short film ng lungsod na pinamagatang “KEYK” – HINURNONG PANGARAP AT TAGUMPAY! Humakot din ito ng parangal bilang Best in Cinematography, Best in Sound Design, Best in Editing, at nag-uwi ng People’s Choice Award.

Ito ang paglalarawan sa Film Overview: “Sa lungsod ng Kalookan, ang pamilya ni Ginang Osmana Tubera ay tatlong beses sinubok ng malupit na apoy sa kanilang tahanan. Ngunit sa bawat sunog, mas lalo silang tumitibay at nagkakaisa. Ang kanilang kwento ay hindi lamang tungkol sa pagbangon mula sa literal na abo, kundi pati na rin sa mga pagbabagong dulot ng mga pagsubok at epekto nito sa kanilang buhay.”

Ang pelikula ay mula sa direksyon ni Von Vinas.

Sinulat ito nina Von Vinas, Renz Marion Salvador, Allan Lucas at Maricel Ariola, at nagsilbi ring editor sina Von Vinas at Renz Marion Salvador.

Tumayong Director of Photography sina Ralph Vincent Armoreda, Richard Armoreda, at Arnold Bulanadi.

Nilapatan ito ng musika nina Von Vinas at Renz Marion Salvador. At mula sa produksyon ng DSWD Operations Office 3.

Nagpaabot ng pagbati si Mayor Along Malapitan sa mga gumawa ng pelikulang KEYK.

Photo: Osmana Soriano Perez Tubera FB, Mayor Along Malapitan FB

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last