Grupo ni Quiboloy pinaiimbestigahan ni Sen. Hontiveros dahil sa rape at human trafficking
Mike Manalaysay December 12, 2023 at 06:35 PMPinaiimbestigahan ni Senador Risa Hontiveros ang grupong Kingdom of Jesus Christ ni Apollo Quiboloy dahil sa mga reklamo ng pang-abuso sa mga kabataan.
Sa isang privilege speech, inihain ni Hontiveros ang Senate Resolution No. 884 para imbestigahan ang aniya’y “reported cases of large-scale human trafficking, rape, sexual abuse and violence, and child abuse of the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) under its leader Apollo Quiboloy.”
Ayon sa senador, “Front and center of these narratives are the systemic sexual abuse of women and children in the hands of this man that they call Pastor.”
“And no, these are not crimes of the past for which we are holding Apollo Quiboloy to account. This is an ongoing offense. Patuloy na nangyayari. The abuse of women and children is taking place as we speak, under the auspices of the Kingdom of Jesus Christ,” paliwanag pa niya.
Ibinahagi rin ni Hontiveros na nakausap nila ang ilan sa mga diumano’y naging biktima ni Quiboloy.
“Nakausap ng opisina ko si Alias Jackson, 15 years old noong narecruit siya kasama ang kanyang pamilya. Naging isa siya sa mga bata na nakikita natin sa pang-araw-araw na umiikot sa ating lansangan, namamalimos gamit ang letter na kunwari ay ‘solicitation’ para sa kanilang organization o di kaya tulong para sa pagpapaaral. Hindi natin alam, may malagim pala na sinasapit yung mga batang di masyadong nakakadelihensya ng malaki sa paglilimos,” aniya.
Paliwanag pa ng senador, “Sila po ay pinapalo, 20 lashes, 50 lashes, 100 lashes. May isa pang nagkwento, pinapaddle din daw. I am in possession of testimonies to that effect.”
Kabilang umano sa nakapanayam nina Senador Hontiveros ang isang biktimang minor.
“Mayroon din pong isa, menor de edad din, pagkatapos lang na makipag-date kasama ng isang babae na natural na ginagawa ng mga teenager, sinabihang i-untog paulit-ulit ang ulo sa pader hanggang dumugo. Pagkatapos ay kinulong sa bartolina. Yes, Mr. President, dati po itong myembro na hindi na nasikmura ang pang-aabuso sa kanya at iba pang menor de edad,” saad niya.
Makikita pa rin daw sa katawan ng biktima ang mga marka ng nangyari at naaalala pa rin niya ang kanyang naranasan hanggang ngayon.
“He was just a child, Mr. President. They were all just children,” sabi ni Hontiveros.
Marami pa umanong biktima ang nakausap nina Senador Hontiveros kaya nagdesisyon na siyang paimbestigahan sa senado ang isyu.
“My office is in possession of an affidavit detailing the sexual abuse inflicted by Quiboloy himself on a minor,” ayon pa sa kanyang privilege speech.
“My office is in direct contact with a woman who, while not a minor when the sexual abuse happened, lives with the trauma it has brought and continues to fear for her safety,” dagdag pa niya.
Tinalakay rin ng senador ang iba pang alegasyon laban kay Pastor Quiboloy.
“May nakausap din ang aking opisina na mga preacher na naglahad ng iba pang mga krimen ni Quiboloy, paano siya yumaman, at paano niya tinatago ang kanyang yaman.”
“These patterns and practices are persisting as we speak, and sustaining his other criminal activities. Hindi lang po sa Pilipinas ang mga krimen na ito, kundi sa iba’t ibang bahagi ng mundo. The international breadth of Apollo Quiboloy’s criminal activities is truly astounding,” paglalahad ni Hontiveros.
Tinalakay rin ni Senador Hontiveros sa resolusyon ang naisampang kaso ng “conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud,and coercion” ng Federal Grand Jury ng California noong 2021 laban kay Quiboloy at ilan pang opisyal ng KOJC.
Photo: Sen. Risa Hontiveros FB