P170k shabu nasamsam; Mga sementeryo nilinis para sa Undas
Reggie Vizmanos October 18, 2023 at 05:48 PMUmaabot sa P170,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Caloocan City Police Station (CCPS) mula sa dalawang drug suspects na naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operations.
Unang nahuli si alyas “Bebe,” 25 anyos na residente ng Barangay 120, Caloocan City.

Nakuha mula sa kaniya ang tatlong piraso ng medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 15 gramo at may Standard Drug Price na P102,000.
Kasunod namang nahuli si alias Brenda, 49 anyos, at naninirahan sa 3rd Avenue, BMBA Compound, Barangay 120, Caloocan City.
Nakumpiska naman sa kaniya ang dalawang piraso ng medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na sampung gramo at may Standard Drug Price na P68,000.
Nakuha rin sa kaniya ang perang ginamit sa buy-bust operation.

Samantala, bilang paghahanda para sa Undas ay maagang naglinis sa mga sementeryo sa lungsod ang mga kawani ng City Environmental Management Department (CEMD) at ang Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD).

Ayon sa dalawang tanggapan, nasa 70 porsyento na ngayon ang nalinis nilang mga pampublikong sementeryo.
Pagkatapos umano nito ay isusunod nilang linisin ang mga pribadong sementeryo naman.
Photo: Mayor Along Malapitan FB, Northern Police District PIO FB