P437,000 na halaga ng droga, nasamsam sa iba’t ibang police operation sa Bulacan
Mike Manalaysay September 18, 2022 at 01:46 PMSa pinaigting na operasyon ng Bulacan Police Provincial Office laban sa illegal drugs, aabot daw sa P437,000 ang nalambat na halaga ng droga mula sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan noong September 15.
Ayon pa sa kanilang pahayag, sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya ng Marilao, naaresto ang dalawang diumano’y pinaghihinalaang pusher na kinilalang sina Edmond Pascual at Ramon Christopher Borris. Nakuha diumano sa mga suspek ang 25.9 gramo ng shabu na nagkakahalaga raw ng P176, 120.
Dagdag pa ng pulisya, nagsagawa rin ng operation ang mga anti-drug operative ng Station Drug Enforcement Units ng Bulacan Police at nakahuli sila ng tatlumpu’t limang drug personalities. Nakumpiska rin daw ng pulisya ang tinatayang P167,723 halaga ng suspected shabu, at P93,830 halaga ng pinaghihinalaang marijuana pati na marked money.
Photo: Bulacan Police Provincial Office