Suspek patay sa operation ng Bulacan Police
Kate Papina September 10, 2022 at 04:46 PMNasawi ang isang lalaki sa isinagawang operasyon ng iba’t ibang unit ng pulisya sa Bulacan kahapon ng umaga, September 9.
Kinilala ang nasawi na si Antonio Rey, residente ng Barangay Biklat, San Miguel, Bulacan. Ayon sa pulisya, may warrant of arrest sa kasong Robbery with Homicide si Rey na inisyu ng Regional Trial Court sa Lipa City, sa lalawigan ng Batangas.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nauna diumanong nagpaputok si Rey sa mga paparating na pulis, kaya binaril din umano siya ng mga operatiba na naging dahilan ng kanyang pagkasawi.
Sa isinumiteng report ng pulisya, nakuha diumano sa crime scene ang isang baril na Glock caliber .40 na may walong bala, isang cartridge, isang magazine assembly at 123 cartridge ng caliber .40.
Photo: Bulacan Police Provincial Office Fb page