Kuwento tungkol sa viral advertisement ng Julie’s Bakeshop
Arkipelago News April 7, 2021 at 08:59 AMTrending ngayon ang isa’t kalahating minutong ads ng Julie’s Bakeshop na inilabas nila sa kanilang Facebook page.
Sa naturang commercial, makikita ang dalawang babae, na nasa edad 40 at nag-e-exercise sa isang gym. Inaasar sila at kung anu-ano ang sinasabi sa kanila ng isang lalaki.
“Kaya pala amoy liniment dito e. Tita sa kabila yung aerobics. Tita dahan-dahan lang ang cutex nyo baka masira. Mamamalengke ka pa.” Sabay tawa ng nakakatuya.
Biglang pumasok sa eksena ang isang bababeng nakasuot ng yellow dress at kamukha ng nasa logo ng Julie’s Bakeshop at nagsabing, “Tita shamer ka ha.”
Minasa ni Tita Julie na parang harina ang alaskador. Pero kahit na minamasa na siya para gawing pandesal tuloy pa rin sa pambubuska ang lalaki, ” Tita nainom nyo na ba ang maintenance meds nyo?”.
Hiniwa-hiwa at niluto bilang tinapay ang lalaking naging harina. Nang maluto nagsalita si Tita Julie, “Dati abs lang niya ang pandesal, ngayon buong katawan na. Kaya stop tita shaming.”
Malinaw ang mensahe ng commercial na hindi dapat manglait ng mga taong nagkakaedad. Sabi nga ng Julies, “Kasi pwedeng fresh pa rin kahit 40 na.”
Pumatok ang naturang video sa publiko dahil sa pagiging kakaiba at orihinal ng konsepto. Maganda rin ang pagkakagawa at special effects nito.
Nakakuha ito ng 28k reaction, 3,400 comments, 17k share at 889k views as of 3:30 pm, April 6.
Nagdiriwang ngayong taon ng kanilang 40th anniversary ang Julie’s Bakeshop.
Panoorin ang kanilang video: https://www.facebook.com/watch/?v=3020712244881642