| Contact Us

3 most wanted sa Central Luzon nahuli ng pulisya

Mon Lazaro November 7, 2024 at 08:02 PM

CAMP OLIVAS, Pampanga — Tatlong Most Wanted Persons ng Central Luzon ang magkakahiwalay na naaresto ng mga awtoridad nitong November 5 at 6.

Base sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Redrico Maranan, regional police director ng Gitnang Luzon, unang naaresto noong November 5 si Emil Gerald Garcia, 41 taong gulang, Top 2 Provincial Most Wanted ng Pampanga na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 sa Barangay Sta. Cruz, Macabebe, Pampanga.

Nadakip siya batay sa warrant of arrest na inilabas ni Hon. Noel Reyes Nerizon, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 55 sa Macabebe, Pampanga.

Nahuli naman nitong November 6 sa Brgy. San Isidro, Laur, Nueva Ecija ang Top 10 Most Wanted Person ng Nueva Ecija na kinilalang si Jayson Delos Santos.

Nahaharap siya sa kasong murder sa ilalim ng Criminal Case No. 28994-24. Walang piyansa sa kanyang kaso. Inisyu ang warrant of arrest ni Presiding Judge Lady Jane G Batisan-Perez ng Regional Trial Court, Branch 34 sa Gapan City, Nueva Ecija.

Nahuli rin ng mga otoridad sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Ma. Theresa O. Basilio, Presiding Judge, RTC, Branch 8-FC, Cabanatuan City ang No.7 Most Wanted Person ng Region 3 na kinilalang si Mark Pecana sa Brgy. Mapalad, Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Si Pecana ay nahaharap sa mga kasong statutory rape at rape.

Ayon pa kay Maranan, “Ang epektibong pagtutulungan ng kapulisan at iba’t ibang ahensya ng gobyerno kasama ng ating mga mamamayan ay nagreresulta ng pagsasawata sa mga kriminal at mga taong pinaghahanap ng batas.”

📷 Mon Lazaro

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 56 Last