Pagpapaliban sa barangay at SK election, inendorso ni Sen. Imee Marcos
Mike Manalaysay September 15, 2022 at 10:17 PMInendorso ni Sen. Imee Marcos sa plenaryo ng senado ang pagpapaliban sa eleksyon ng barangay at Sangguniang Kabataan. Nakatakda sanang idaos ang halalan sa December 5, 2022.
Taliwas ito sa posisyon niya tatlong taon na ang nakakaraan nang ipangako niya na ang postponement ng barangay election sa taong iyon ang huli. Inamin ng senadora na nagsinungaling daw siya.
“Today, in the immortal worlds of the late great Senator Miriam Defensor Santiago, let me confess just as she did: I lied. I lied,” ayon kay Marcos.
Dagdag pa ng senador, may dahilan kung bakit hindi siya makakatupad sa kanyang ipinangako.
“Levity aside, there are compelling reasons why I must renege on that promise. The fact that the barangay and Sangguniang Kabataan elections have been postponed relentlessly through decades merely underlies the unfinished business of deeper issues plaguing both the barangay and Sangguniang Kabataan systems,” paliwanag ni Marcos.