5 Filipina Celebrities, mas pinainit ang tag-araw sa kanilang summer outdoor pictures
Randylyn Laurio April 27, 2023 at 06:14 PM Entertainment5 Filipina Celebrities, mas pinainit ang tag-araw sa kanilang summer outdoor pictures
- Ivana Alawi
Ibinahagi ni Ivana sa kanyang Instagram post ang kaniyang summer outfit picture na may caption na “Love this place”. Tinutukoy niya rito ang resort sa Tanauan, Batangas na The Vineyard. Marami ang humanga sa suot niyang pink and white two-piece swimsuit at white slit skirt.
- Sue Ramirez
Oozing with confidence naman na ipinakita ni Sue ang kanyang summer-ready body sa kanyang IG post habang siya ay nasa Conrad Koh Samui sa Thailand. Ibinida niya ang ruffled two-piece swimsuit galing sa Eighth Mermaid Swimwear. Kasama niya doon ang kanyang nobyong si Mayor Javi Benitez ng Victorias City, Negros Occidental.
- Janella Salvador
Ibinida naman ni Janella ang kanyang white swimwear habang siya ay nasa isang yate sa El Nido, Palawan. Kasama niya ang kanyang anak na si Baby Jude sa Lime Resort Hotel. Sabi niya sa kanyang post, “Be here again in no time”.
- Sanya Lopez
Tila enjoy na enjoy ang aktres na si Sanya sa El Puerto Marina Beach Resort sa Lingayen, Pangasinan. Suot niya ang kanyang black two-piece na talagang super classy ang dating. May caption ang kanyang post na “Yeahhh beach…”
- Angelina Cruz
Hindi rin nagpahuli ang anak ni Sunshine Cruz na si Angelina sa summer fun activities. In-upload niya sa kanyang social media ang kanyang litrato na may caption na “Utopia” na ang ibig sabihin ay perfect society o place of perfection. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang navy blue swimsuit sa Bali, Indonesia.
Photo: Ivan Alawi IG