Anabelle Rama nagsalita na sa diumano’y hiwalayan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati
Kate Papina December 8, 2023 at 04:11 PM EntertainmentPasabog ang rebelasyon ni Anabelle Rama tungkol sa isyu ng hiwalayan ng kaniyang anak na si Richard Gutierrez at asawa niyang si Sarah Lahbati.
Sa panayam ni MJ Felipe ng ABS CBN News, inamin ni Anabelle na isang buwan nang hindi magkasama sa iisang bahay ang mag-asawa at nagsimula na raw maglipat si Richard.
“Si Richard nasa bahay ko ngayon, one month na. Pero unti-unti siyang lumilipat ng gamit sa Alabang. Lilipat na siya siguro after Christmas,” pahayag niya.
Nang tanungin si Anabelle Rama kung ano ang plano niya sa Pasko at Bagong Taon, sinabi niya na pupunta raw siya sa Japan kasama ang kaniyang buong pamilya ngunit “minus one lang,” aniya.
Sa kabila ng kanyang rebelasyon, ayaw pang kumpirmahin ni Anabelle na hiwalay na nga ang celebrity couple, “Hindi pa ako pwede magsalita eh. Basta sasabihin ko, si Richard nasa akin ngayon. Yun lang ang masasabi ko.”
Dagdag pa ni Anabelle, nasa poder daw ni Richard ang kanilang mga anak sa ngayon.
Nang kumustahin naman siya tungkol sa relasyon nila ng kaniyang manugang na si Sarah matapos mapabalitang may problema silang dalawa, sinabi niya na, “Hindi ko siya nakakausap. Wala akong time na makipag-usap sa kaniya.”
Ipinagtanggol din niya ang kaniyang anak sa mga bashers. Masipag aniya si Richard bilang isang provider, “Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na ‘yan. Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera. Yun lang ang masasabi ko diyan.”
Matatandaan na unang pumutok ang isyu ng hiwalayan noong Nobyembre dahil hindi na umano nakikita ang dalawa na magkasama sa publiko pati na sa kani-kanilang social media platform. Dagdag pa rito, napansin din na inalis ni Sarah Lahbati ang apelyidong “Gutierrez” sa kaniyang Instagram bio.
Nagpakasal ang dalawa noong March 14, 2020 at mayroon silang dalawang anak na sina Zion at Kai.
Source: ABS CBN News
Photo: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati IG