| Contact Us

Asawa ni Moira dela Torre pinaringgan niya sa kanyang bagong kanta?

Kate Papina February 7, 2023 at 08:35 PM Entertainment

“You said you made a mistake but isn’t a mistake only a mistake if it’s one time”

Lumikha ng ingay ang katatapos lang na concert ni Moira dela Torre matapos niyang kantahin ang kaniyang unreleased song na may pamagat na “Redflags”. Dahil dito, usap-usapan ngayon ng kanyang mga tagahanga na tila patama raw ito sa kaniyang ex-husband na si Jason Hernandez.

Ayon sa rekasyon ng mga fans ni Moira, kinumpirma ng bagong kanta ni Moira na nagloko ang kanyang asawa at ito ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Bunga nito, naging trending ang phrase na “wasted 5 years of my life,” na kasama sa lyrics ng kanta. Itinuring din ng mga fans na “palaban era” ngayon ni Moira dahil ito ang unang pagkakataon na nagsalita siya tungkol sa naging problema nilang mag-asawa. Mas piniling manahimik noon ng singer.

“Moira just answered our questions with this song,” komento ng isang netizen.

“5yrs and 5 times????? Grabe taas ng pasensya mo Moira! You deserve better!!!,” pahayag ng isang netizen.

Kinumpirma nina Moira at Jason ang kanilang paghihiwalay noong May 2022. Umamin naman si Jason Hernandez na hindi siya naging tapat sa kanilang relasyon. Pero hindi siya nagbigay ng detalye kung ano ang tunay na rason.

Video: Moira dela Torre Tiktok

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 Last