Atty. Fortun maghahain ng kaso sa nang-atake ng siklista; suspek tinanggalan ng PNP ng gun license
Reggie Vizmanos August 28, 2023 at 06:13 PMMismong si Atty Raymond Fortun na ang maghahain ng mga reklamo laban kay Wilfredo Gonzales, ang dating pulis na nang-atake ng isang siklista sa pamamagitan ng pagbatok, paglabas at pagkasa ng baril kamakailan sa Welcome Rotonda, Quezon City.
Ang siklista ay patuloy na itinatago muna sa tawag na AB bilang bahagi ng pag-iingat para sa buhay at kaligtasan niya at ng kaniyang pamilya.
Ayon kay Atty. Fortun sa kaniyang mga Facebook post, natatakot na si AB na baka siya ay mapatay at nag-aalala na rin siya sa kalagayan ng kaniyang pamilya.
“Below is my last text conversation with AB. Inaalala nya ang kalagayan ng pamilya nya. Natatakot sya na mapatay sya ng mga pulis na magpapanggap na “riding in tandem na mga killer,” ani Fortun.
Dahil dito, inilahad ni Fortun ang kaniyang plano na siya mismo ang personal na maghahain ngayong linggo ng mga sumusunod na reklamo laban sa suspek:
“A complaint with the LTO for the suspension/revocation of the driver’s license of Mr. Wilfredo Gonzales for driving in a reckless manner that threatened the life of AB.”
“A complaint with the Firearms and License Office at Camp Crame, for the revocation of any and all gun licenses issued to Mr. Gonzales AND HIS FAMILY (N.B. I have information that he has relatives who are also police officers), including permits to carry outside of their residence,”
“If he is still connected with the government in any manner, a complaint for conduct unbecoming of a public official under R.A. 6713.” dagdag pa ng abogado.
Kaugnay nito ay humingi ng dasal si Fortun para sa kaligtasan niya at ng kaniyang pamilya lalo na’t tinatakot ang vlogger na nag-upload ng video ng insidente sa social media pati na ang biktima.
Wika ni Fortun, “Please pray for my and my family’s safety. I will be dealing with people who have scared one vlogger and one cyclist; I expect nothing less. But your prayers will be my armor, and so i will not fear.”
Sa pagharap naman ni Gonzales kahapon sa press conference sa Quezon City Police District kasama si QCPD Chief Brig. Gen. Nicolas Torre III ay naghayag siya ng kanyang sentimyento. Sinabi niya na, “parang ang sama-sama kong tao… kawawa naman yung mga anak ko, mga kapamilya ko.”
Nanawagan siya sa mga gumagamit ng social media na maging responsable sa pag-share ng video ng insidente na hindi naman umano nakita at nalaman ang buong pangyayari laluna ang puno’t dulo nito. Ang naturang video ay una nang in-upload ng isang nagngangalang Mr. BI Vlogs sa Facebook at ipinost din ni Atty. Raymond Fortun.
“They didn’t see the whole thing, how it started (and) that’s hard,” sabi ni Gonzales.
Samantala, ni-revoke na ng Philippine National Police ang gun license ni Gonzales.
Sinabi ng PNP sa isang press release nito na ipinag-utos ng Firearms and Explosives Office ang pag-revoke ng License To Own and Possess Firearm (LTOPF), Firearm Registration (FR) at Permit To Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) ni Gonzales.
“The PNP reserves the authority to revoke LTOPF, Firearm Registration, and PTCFOR, especially in cases where there are grounds for revocation and cancellation,” ayon kay Brig. Gen. Benjamin Silo Jr., Director ng PNP-Civil Security Group (CSG).
Binigyang-diin naman ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang kahalagahan ng responsableng pagmamay-ari ng baril.
“Let this incident serve as a clear reminder that owning a firearm is a privilege that demands adherence to the law and the highest ethical standards. We urge all gun owners to reflect on their responsibilities and ensure that their actions consistently reflect the values of respect, accountability, and security,” sabi ni Gen. Acorda.
Screenshot: Mr. VI Vlogs