| Contact Us

Atty. Gadon pini-petisyong matanggal ang lisensya matapos sabihin na namatay si PNoy dahil sa komplikasyong dulot ng HIV

Gabbie Natividad June 26, 2021 at 04:41 PM

Marami ang umalma at gustong matanggal ang lisensya ng abogadong si Lorenzo “Larry” Gadon matapos niyang sabihin na namatay ang dating pangulong si Benigno Aquino III dahil sa komplikasyong dulot ng Human Immunodeficiency Virus (HIV).

Ayon kay Gadon, nakuha raw niya ang impormasyon na ito sa kanyang kaibigan na hindi naman niya pinangalanan.

Inihayag ito ng abogado sa isang live broadcast ng DWIZ 882 Teleradyo.

Ayon sa pamilya ng namayapang pangulo, ang dahilan ng kanyang pagkamatay ay renal failure secondary to diabetes o ang pagkawala ng kakayahan ng bato na magsala ng duming dumadaan dito.

DisbarGadon

Patuloy na kumakalat sa Twitter ang panawagan na makansela ang lisensya ni Gadon. Sa katunayan, nagtrending ang #DisbarGadon sa Twitter mula pa noong Hunyo 24.

Ayon sa Twitter account na si @bungisngis6 tinawag niya na “demon” o demonyo ang abogado na nagbabalatkayo raw bilang tao.

Si Ryan naman na may user handle na @rryyaaaannnn ay nagtatanong kung ano ang gagawin ng KBP o Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas tungkol sa isyu. May kapangyarihan ang KBP na disiplinahin ang mga miyembrong istasyon na lumalabag sa mga panuntunan sa pamamahayag.

Sinabi rin ng account na si Bronze Monkey (@bronzemonkey) na ang ginawang ito raw ni Gadon ay hayagang diskriminasyon, pagpapalaganap ng maling impormasyon, at kawalan ng respeto.

Ayon naman sa isang support group ng HIV at AIDS, nilabag ng abogado ang isang probisyon ng Republic Act 11166- ang pagbabawal sa paglalantad sa publiko ng mga taong may HIV.

“The Red Whistle strongly condemns in unequivocal terms a statement made by Atty. Lorenzo ‘Larry’ Gadon, maliciously imputing that former President Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III had HIV, in violation of Republic Act 11166 or the Philippine HIV Policy Act.”

Si Atty. Gadon ay kilalang abogado ng pamilya Marcos. Ilang beses na rin siyang sumubok na tumakbo bilang Senador pero hindi siya pinalad. Siya rin ang nagsimula ng impeachment complaint na nagresulta sa pagpapatalsik kay dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno noong 2018.

Photo courtesy of@ricci_richy Twitter

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 56 Last