| Contact Us

Ayuda in cash o in kind?

Mike Manalaysay April 2, 2021 at 07:17 AM

Mga lokal na pamahalaan na ang pinagdedesisyon kung “in cash” o “in kind” ang ayudang ipamimigay sa mga taong apektado ng enhanced community quarantine. Ito ang pahayag ng Department of the Interior and Local Government noong Huwebes, April 1.

“The LGUs have the discretion to determine if the assistance will be given in cash or in kind provided that the assistance gets to their constituents soonest,” sabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa isang pahayag.

Nasa ilalim ng ECQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Dagdag pa ni Usec Malaya, kailangang maglabas ang mga mayor ng isang executive order na nagsasabi kung “in cash” o “in kind” ang ayuda, pati na kung ano ang magiging proseso ng pamamahagi nito.

Ayon pa sa pahayag, ang ayuda ay nagkakahalaga ng P1,000 kada tao, na may maximum na P4,000 kada pamilya.

Kabilang sa makakatanggap ng ayuda ang mga low-income individual at mga nagtatrabaho sa informal sector na nakatanggap ng unang tranche ng Social Amelioration Program (SAP), additional beneficiaries ng SAP 2, mga nasa wait-list ng SAP, at mga low-income individual na namumuhay mag-isa, person with disability at solo parent.

Maaari rin daw tulungan ng mga LGU ang iba pang naapektuhan ng ECQ kung may matira pang pondo

Ayon kay Usec Malaya, magbibigay ang DSWD sa LGU ng listahan ng mga dating tumanggap ng SAP.

Kailangan ding ilathala ng mga mayor at punong barangay sa kanilang mga website at social media account ang pangalan ng mga benepisaryo bago simulan ang pamamahagi.

Ipinag-utos din sa mga LGU na magtatag ng grievance and appeals committee kung saan maaaring magreklamo ang mga tao tungkol sa pamamahagi ng ayuda.

Sinabi rin ni Usec Malaya na magbubuo sila ng joint monitoring and inspection team sa bawat LGU para tumugon sa mga reklamo.

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 53 Last