BONDEE for BONDING!
Kate Papina January 28, 2023 at 11:09 PM EntertainmentPatok sa mga netizen ngayon ang bagong avatar-based app na Bondee. Isang game na ginawa ng Singaporean tech company na Metadream. Sa Bondee, pwede kang gumawa ng mga character at makipag-interact sa iba pang characters doon. Maihahalintulad siya sa Sims, Roblox o Animal Crossing.
Sa Bondee, pwede ka ring mag-customize ng sarili mong avatar o ng sariling kuwarto na base sa gusto mong design. Parang real-life scenario ito dahil pwede ka ring bumili ng mga gamit, maglagay ng mga furniture, pictures, at marami pang iba.
Nagustuhan din ng karamihan ang feature na maaari kang makipag-usap sa mga friends mo o kahit sa mga hindi mo kakilala. Pwede ka ring bumista sa kanilang kuwarto sa pamamagitan ng pag-share ng QR Codes para ma-add mo silang friends ng iyong account.
Kaya naman kung gusto mong magcamping, magpicnic, magparty, sumayaw, o tumugtog ng musical instrument kasama ang iyong friends at family pero wala pa kayong budget sa ngayon, baka Bondee na ang solusyon!
Narito naman ang ilan sa reaksyon ng mga netizen tungkol sa Bondee:
“I’m at the lowest point of my life, buti pa sa Bondee hindi.”
“Grabe sobrang nakakaadik itong Bondee dahil andami ko nakilalang new friends!”
Ang cute rin ng mga emoticons. All is great, really. I love it!”
“Baka dito na ako sa Bondee makahanap ng jowa, it’s my time to shine na HAHAHAHA.”
Photo: Bondee Official Website