BTS’ Jin, bumati sa mga Army bago pumasok sa military service
Kate Papina January 10, 2023 at 12:22 PM Entertainment
Ginulat ni Jin, miyembro ng K-pop group na BTS, ang kaniyang mga fans nang maglabas ng video ang kaniyang agency sa youtube ng kaniyang pagbati
bago siya pumasok sa military service noong December 13.
Inilabas ang video noong Lunes, January 9, na may pamagat na “Message from Jin: Jan. 2023.”
“I won’t be a civilian anymore by the time this is out but I’m here in front of the camera because I wanted to leave you something even if it’s just leaving a message,” aniya.
Ayon pa kay Jin, kinunan ang naturang video noong shooting ng Korean variety show na “Running Man.” Lumabas siya sa episode ng show noong November 6, 2022. Hangga’t maari raw gusto niyang magrecord ng videos kada buwan para makapagbigay ng mga updates.
“So I am here with the camera on today. Currently, I’m shooting for ‘Running Man’ and whenever I’m available I wish to leave these videos and records once every few months to share with you as much as possible, even if it’s just checking in briefly.”
Dagdag pa niya, “I may not be by your side at this very moment but I’ll go looking for you soon so if you just wait a little bit. I’ll be back soon.”
Tinapos ni Jin ang clip sa pangako na magrerelease pa siya ng mga bagong video para makapagbigay ng update.
Si Jin ang kauna-unahang miyembro ng BTS na na-enlist sa military at nakatakda siyang idischarge sa June 12, 2024.
Video: BANGTANTV