| Contact Us

Congressman Danny Domingo at House Speaker Martin Romualdez pinag-usapan ang solusyon sa baha

Mike Manalaysay September 5, 2022 at 04:00 PM

Nakipagpulong si Congressman Danny Domingo kay House Speaker Martin Romualdez, para talakayin ang kanyang mga plano para sa unang distrito ng Bulacan.

Kasama sa kanilang pinag-usapan ang paghahanap ng pangmatagalang solusyon sa problema ng pagbabaha na matagal nang nararanasan ng mga naninirahan sa Distrito Uno.

Personal na hiniling ni Congresman Domingo kay Speaker Romualdez na pondohan ng national government ang pagpapagawa ng mga dike, flood gate, at pumping station para mabawasan at makontrol ang malalang pagbaha sa distrito.

Binanggit din ng kongresista na may ganito nang imprastruktura ang Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

“Nakapaglagay sila ng dike, nakapaglagay ng flood gate, nakapaglagay ng pumping stations. Itong First District, ‘yun na lang naiwan,” ayon kay Congressman Domingo.

Ayon pa sa Facebook post ni Rep. Domingo, “nagpahayag ng pagsuporta si Speaker Romualdez sa mga nabanggit na plano at programa.”

Nauna nang ipinahayag ng kongresista na ipinapatupad na ang flood control project sa kanyang nasasakupang distrito. Naipahukay na ang sapa sa Barangay Pinagbakahan patungong Barangay Santisima Trinidad at Barihan sa Malolos, at sapa sa Barangay Bulihan kung saan tinanggal ang mga nakabarang lupa, damo at basura sa halos 500 metrong bahagi ng sapa.

Ipinapahukay na rin ang sapa sa Barangay Mojon papunta sa Sumapang Matanda at Sumapang Bata sa lungsod ng Malolos.

Isinasagawa ang paghuhukay sa mga sapa para mas mabilis na makadaloy ang tubig.

Photo: Atty. Lyvette San Diego

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 56 Last