Dina Bonnevie nagsalita na tungkol sa isyu sa pagitan nila ni Alex Gonzaga
Kate Papina February 1, 2023 at 10:02 PM Entertainment
Sa bagong episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong January 31, ikinuwento ng beteranang aktres na si Dina Bonnevie ang ilang pangyayari habang shinoshoot nila ang drama series na “PS: I Love You” noong 2011.
Sa panayam, tinanong ni Boy Abunda ang aktres kung si Alex Gonzaga nga ba ang tinutukoy niyang batang aktres na nagpakita diumano ng “attitude” at kinompronta niya dahil sa aniya’y paulit-ulit na unprofessionalism sa set.
“Yes, it was Alex Gonzaga,” sagot ni Dina.
Ayon pa kay Dina, lagi raw late si Alex at dumarating daw siya nang hindi pa nakaayos kaya naman naghihintay pa ng ilang oras ang mga cast at crew.
“Hanggang sa lunch break, umalis na naman siya. Pagbalik niya, basa ang buhok. Walang makeup. So, we had to wait for another three hours bago makapag-take. Eh siyempre, kumukulo na ang dugo ng lahat,” pahayag niya.
Dagdag pa ni Dina, hindi lamang siya ang nakapansin at naapektuhan sa mga ginagawa ni Alex sa trabaho.
“There were other co-workers getting irked about, ‘yung working habits niya…Gabby (Concepion), Cheska Iñigo, si Nadine Lustre, we were all together and nobody had the strength or the audacity to come up to her and talk to her. So, okay ako ang magiging spokesperson. Hindi rin totoo na pinagsisigawan ko siya mula ulo hanggang paa kase ‘yung setting namin nasa simbahan,” paliwanag ni Dina.
Kuwento pa ni Dina, dahil siya raw ang malakas ang loob, siya na lamang ang kumausap kay Alex Gonzaga.
“Kasi may eksena siya, dapat iiyak siya. Parang mommy niya ako nun, tapos di siya makaiyak. Sabi ko, ‘Alex, do you know why you cannot cry? It’s because you’re not in touch with your emotions. You’re very indifferent to your co-workers. You know what? Honestly, I want to talk to you kasi we don’t like what you’re doing and that you’re always late,’ sabi raw niya kay Alex.
“Eh marami akong ganap eh,” tugon naman daw sa kaniya ni Alex.
Sinagot naman daw niya agad si Alex ng, “Wait a minute, I’m trying to talk to you nicely. Hindi pa napapanganak ang nambabastos sa akin kaya Alex, please. Kinakausap kita nang maayos, If you want to stay long in this business, you can’t last kung ganyan ang attitude mo na palagi kang late, dito ka pa maliligo sa set, and you know, you cannot even memorize your lines.”

Kuwento pa ni Dina may pagkakataon din daw na nagalit si Alex kay Nadine Lustre dahil nauna pang itong umiyak sa kaniya.
“And then, nagagalit siya kay Nadine kung nauunang umiyak si Nadine, eksena niya raw ‘yun.”
Nilinaw naman ni Dina na may halong malasakit ang kanilang naging pag-uusap na nauwi pa nga raw sa iyakan.
“I’m not talking to you like this because I want to put you down. I want you to succeed in your career, I want you to be great,” paliwanag daw niya kay Alex.
Nilinaw din ni Dina na hindi raw niya intensiyon na muling ungkatin ang insidente. Nagkataon lang daw na may nagtanong sa kanya sa isang press conference kung may artista na bang nagpakita ng attitude sa kanya. Iginiit din ni Dina na sa kabila ng lahat, hindi naman daw siya galit kay Alex. Sa katunayan aniya, nag-guest pa nga raw siya sa noontime show nito at naging maayos ang pakikitungo ni Alex sa kanya.
“[Alex] was very graciosa to me. She was very nice. In fact, after nun nag-usap pa kami sa taping, okay na siya. Nag-last day of taping pa kami. Masaya kami. She even hosted [the taping]. Nagbiruan kami, nothing. Hindi ako galit sa kanya,” aniya.
Tinanong din si Dina kung nasaktan ba siyang matawag na “matandang artista”.
“Hindi ako na-offend na tinawag akong matanda. It’s true, matanda na ako. I’m 61. But I’d like to see people at 61 if they’re still looking fresh. Sorry, but I feel fresh. Hindi ako na-offend dun. Okay kami kaya ako nagulat dun sa ‘matandang artista’, I was painted as the bad guy. For me, dun ako nainis. Painting you as the bad guy is inventing stories to make you look bad. I wasn’t inventing stories. But that’s past. It’s changed. Nagbago naman siya bago natapos ang taping. Hindi ako galit sa kanya,” paglilinaw ng aktres.
Sa huli, sinabi ng beteranang aktres na sa showbiz, kailangan maging professional at maging maunawain sa nararamdaman ng mga kasama para magampanan nang maayos ang trabaho.
“The most important lesson that I’ve learned [in showbiz] is to always be conscious of other people lagi. Be in touch [with them]. Don’t be indifferent to other people. Feel them, and [imagine] yourself in their shoes… if you’re compassionate with other people, you’ll do things right,” dagdag pa niya.