Elijah Canlas inamin na hiwalay na sila ni Miles Ocampo
Kate Papina November 25, 2023 at 09:21 AM Entertainment“Senior High” actor Elijah Canlas kinumpirma ang paghihiwalay nila ng E.A.T host/actress na si Miles Ocampo.
Sa isang panayam, tinanong si Elijah kung going strong pa ba ang relasyon ni Miles.
“Sadly no, we broke up a couple of months ago,” pag-amin ng aktor.
Dumaan aniya sila sa mga pagsubok dahil inuuna nila ang mga pansarili nilang responsibilidad.
“We went through a rough patch recently mainly because we are going through our own stuff,” pahayag ni Elijah.
Binigyang diin naman ng aktor na naging maayos naman ang kanilang paghihiwalay.
“We are okay, we are not mad at each other… I’m always gonna have love for her and support her with what she does but right now we are taking our time figuring things out,” aniya.
“I’ll always be her number one fan basically,” dagdag pa niya.
Inilabas nila sa publiko ang kanilang relasyon noong May 2022.
Nakilala si Elijah sa pagganap niya sa Boy’s Love series na “Gameboys” at drama/thriller na “Kalel,15”, ngunit mas nakilala siya ng gampanan niya ang karakter ni “Archie” sa Senior High na ipinapalabas ngayon kasama niya ang aktres na si Andrea Brillantes.
Dahil sa patuloy na pamamayagpag ng “Senior High” sa primetime, marami ang humanga kay Elijah at nakilala na siya sa kaniyang galing sa pag-arte. Sa katunayan, nagkaroon pa siya ng malaking fan base dahil sa nabubuong loveteam nila ni Xyriel Manabat.
Sa kasalukuyan, bida siya sa on-going serye na Keys to the Heart, na nagunguna ngayon sa isang sikat na movie3 streaming app. Kasama niya rito ang batikang aktor na si Zanjoe Marudo.
Photo: Elijah Canlas and Miles Ocampo IG
Source: ABS CBN News