| Contact Us

Engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, hiwalay na

Kate Papina February 7, 2024 at 07:30 AM Entertainment
📸: Bea Alonzo IG, Dominic Roque IG

Tinapos na ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang tatlong taong relasyon. Hindi na rin matutuloy ang plano nilang pagpapakasal ngayong taon.

Ito ang kinumpirma ng TV host na si Boy Abunda sa latest episode ng kaniyang programang “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, February 6.

Aniya, nalungkot at nagulat daw siya sa balita lalo na at tuwing magkikita sila ni Bea, pinag-uusapan daw nila ang relasyon ng aktres kay Dominic at sa mga plano nila tungkol sa kanilang kasal.

“As we talked today, yes, hiwalay po si Dominic at saka si Bea,” pagkukumpirma ni Boy. Dagdag pa ni Boy, isinoli na raw ni Bea kay Dominic ang kanilang engagement ring.

Pero kahit nagdesisyon na raw ang dalawa na hindi ituloy ang kanilang kasal sinusubukan pa rin daw nilang ayusin ang kanilang relasyon.

“As a matter of fact, from good sources, kagabi o nung isang gabi lamang ay nag-usap muli si Bea at saka si Dominic. They’re trying to understand each other. But they’re going through a rough patch,” ani Boy. Nagsimulang magkaroon ng espekulasyon tungkol sa relasyon nina Bea at Dominic matapos ihayag ng talent manager na si Ogie Diaz, sa latest episode ng kanyang YouTube channel, na kumpirmado raw ng isang mapagkakatiwalaang source ang paghihiwalay ng engaged couple. “Sabi rin ng isa kong source, wala na sila! Hiwalay na sila! ‘Yung Japan (trip) nila huling post na nila ‘yun,” kuwento ni Ogie. Iniulat rin ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kaniyang programa na tila hindi na raw matutuloy ang kasal ng dalawa.

Dagdag pa rito, hindi nakaligtas sa mata ng mga netizen ang mga recent pictures ng aktres na hindi suot ang kanyang engagement ring. Napansin din na hindi na nagpopost ang magkasintahan na magkasama sila sa kani-kanilang social media accounts.

Isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon noong August 2021.

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 Last