Facebook post na wala umanong respeto sa kababaihan, binatikos
Cristine Cabanizas June 1, 2021 at 08:52 PMSinasabi na ang kababaihan ang nagluwal sa lipunan. Sila ang ilaw ng tahanan na palaging handang magsakripisyo kung kinakailangan. Pero tila hindi ganito ang paglalarawan sa mga kababaihan sa isang post ng PNP Husband and Wife Facebook page.
Pinag- uusapan ngayon sa social media ang post mula sa naturang page na nagbibigay ng payo kung paano mapapanatiling masaya ang asawang lalaki at asawang babae.
Inisa-isa sa post kung paano mapapaligaya ang mga ama ng tahanan, una na raw dito ay dapat ibigay sa lalaki ang kanyang sekswal na pangangailangan.
Pangalawa ay “obey him”. Pangatlo at pang-apat ay “love his parents at respect his siblings.’
“Never argue with him at always make him feel he’s the superior,”
“Never investigate his phone, don’t waste his property at support him when he’s broke,” ang mga sumunod na payo.
Pero ang isa sa hindi nagustuhan sa post ay ang ikawalong payo- “Kiss him when he insults you.”
Pagdating naman sa pagbibigay ng payo kung paano mapasasaya ang asawang babae, nagsulat naman ang Fb page ng “10 WAYS TO MAKE YOUR WIFE HAPPY.”
- “Give her money.”
- “Always give her money.”
- “Continue to give her money.”
- “Keep giving her money.”
- “Never get tired of giving her money.”
Umabot hanggang sampu ang bilang ng inilistang payo pero kung susuriin iisa lang ang sinasabi nito.
Ang mga pahayag na ito ang nagpakulo sa dugo ng mga netizen. Ito raw ay pang-aabuso at pagtapak sa pagkatao ng mga kababaihan.
Komento ni Yvonne Rabina sa nasabing post, “Maybe what you’re saying is 10 ways how to abuse your wife. What really hit me is to kiss him even when he’s throwing insult. I don’t think any wife will be happy to do that.”
Dagdag pa ng iba, hindi raw parang isang gamit ang babae na pwedeng gamitin at bilhin ng salapi. Higit sa lahat, hindi lang daw pera ang basehan ng kaligayahan ng kababaihan.
“This post is very much bias to women and degraded women’s dignity. I for one don’t need my husband’s money coz I have work,” ayon kay Charity Escobido.
“Not everything is About money Lalo na sa mga babaeng kayang Magtrabaho at magkapera Ng sarili nila. This is not true for making your wife happy. True happiness comes from being responsible, giving them time and loving them unconditionally and Treat your wife as a Queen,” komento naman ni Beth Ragos.
Tinapos naman ng PNP Husband and Wife Facebook page ang kanilang post sa mga sumusunod na pangungusap:
“You are laughing. Don’t be surprise that is their nature because they are never and can never be tired of MONEY.”
“Don’t laugh alone pass it on.”
“For good vibes only.”
“PS Love your husband/wife with all you heart.”
Pero para kay Angela Cayari, kahit kailan hindi nakakatuwa ang pang-iinsulto sa mga babae. Seryosong usapin daw ang pagkawala ng respeto sa mga kababaihan.
“How sexist can you be?? For good vibes?? As a woman it’s very insulting for you equate us to money! If I’ll be with a guy who thinks this way then keep your money! I have my own and I can make my own! P.S Don’t tell me that this is just a JOKE because it’s not funny!,” pahayag ni Angela.
Sa kasalukuyan umabot na sa 19,0000 na reaksyon, 5,300 comments at 19,000 share ang naturang post. Hinihiling din ng mga netizen na burahin na ito.
“This post is problematic in so many aspects. There are many ways to spread good vibes but toxic masculinity and sexism are not part of those. Take this down,” sabi ni Coleen Santos.