Hontiveros kinondena ang pagkamatay ng mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc
Mike Manalaysay October 4, 2023 at 04:42 PMMariing kinondena ni Senador Risa Hontiveros ang pagbangga ng isang foreign vessel sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda na naging sanhi ng pagkamatay ng tatlo sa kanila sa karagatan ng Bajo de Masinloc.
“I condemn in the strongest possible terms the ramming of ship Pacific Anna, registered in the Marshall Islands, into a Filipino fishing boat, killing three of our citizens. It is deplorable that the vessel left the Filipino fishing boat and our citizens in the water. This despicable act is an affront to all Filipinos,” ayon sa pahayag ng senador.
“I call on the authorities to leave no stone unturned. Kailangang mapanagot ang sinumang gumawa nito: sinuman sila, nasaan man sila. Hindi nila matatakasan ang batas,” dagdag pa niya.
Binigyang diin din ni Hontiveros na sakop ng Pilipinas ang pinangyarihan ng insidente.
“Bajo de Masinloc, since time immemorial, has been a traditional fishing ground of our fisherfolk and is well within the Philippines’ Exclusive Economic Zone. Ito ay karagatang dapat malaya at ligtas sa lahat ng mga mangingisdang naghahanapbuhay,” aniya.
Ipinaalala rin ng senador na, “I once again reiterate my call to increase the intel funds of the Philippine Coast Guard for the safety and security of our fellow Filipinos. Kailangang-kailangan ng PCG ng pondo para sa seguridad, na sya namang tunay na silbi ng intelligence funds.”
Nagpaabot din ng pakikiramay si Hontiveros sa pamilya ng mga biktima.
“Sama-sama nating ipaglalaban ang katarungan para sa kanilang pamilya at para na rin sa kalayaan ng lahat ng mga mangingisda sa West Philippine Sea,” pagwawakas ng kanyang pahayag.
Photo: Philippine Coast Guard