| Contact Us

James Reid, itinanggi noon pero inamin ngayon na may relasyon sila ni Issa Pressman. Ano ba talaga?

Kate Papina March 18, 2023 at 08:02 PM Entertainment

Kinumpirma na ng actor-singer na si James Reid ang kaniyang relasyon sa model na si Issa Pressman sa isang Instagram story matapos na kumalat ang mga larawan nilang dalawa na magkahawak ang kamay at magkasama sa concert ni Harry Styles.

“I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful. And I’m not gonna let anyone take that from me,” aniya.

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang post dahil naging isyu na rin sina James at Issa noong 2020 nang kumalat ang video nila na nagyayakapan at naghahalikan.

Dahil dito, inakusahan noon si Issa Pressman na third party sa relasyon ng dating sikat na loveteam na “Jadine” na binubuo nina James Reid at Nadine Lustre. Ito rin daw ang naging sanhi ng kanilang paghihiwalay.

Ngunit noong panahon na yun, itinanggi ni Issa ang alegasyon at naglabas pa siya ng pahayag ukol dito.

“If I stay silent, i’m ‘guilty’. If I stand up for myself, i’m ‘defensive’. The world judges either way. But to end it here & now, everything is 100% FALSE. #ThinkBeforeYouClick,” caption niya noon sa kaniyang post.

Maging ang kapatid ni Issa na si Yassi Pressman, na kilalang matalik na kaibigan ni Nadine Lustre sa industriya, ay nagsalita rin sa isyung ito noong January 22, 2020. Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi niya ang litrato kasama si Nadine at sinabing maayos sila.

“Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo ???? Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya… this was me and nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements. Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then…. they started getting out of hand, at di na yun tama. Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay. Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media. They’re not always the truth. Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information. #thinkbeforeyouclick” pahayag ni Yassi Pressman.

Nabalewala rin ang isyu dahil maging si Nadine Lustre ay sumuporta sa post ni Yassi. Nagkomento pa siya na nanghihingi ng pasensiya sa magkapatid. Dagdag pa rito nag-story siya sa kaniyang Instagram na nagsabing “But real friends don’t do that.”

Nagkomento rin si James Reid sa post na ito ni Yassi at nanghingi ng tawad sa magkapatid na Pressman dahil nadawit pa raw sila sa isyu.

Kaya naman ngayon, nagulat ang mga netizens sa rebelasyon ni James Reid at Issa Pressman. Pero nilinaw naman ng aktor na hindi totoo ang isyu tungkol sa kanila dati.

“The past rumors about Issa are just that, rumors,” ani James Reid.

Si Nadine Lustre ay isang aktres, singer, at model na naging long-time girlfriend ni James Reid, pero naghiwalay sila at kinumpirma nila ito noong January 2020. Napabilang din si Nadine at nakapag-release ng mga kanta sa Careless Music record label na itinayo ni James Reid. Sa kasalukuyan, hindi na nagtatrabaho si Nadine Lustre sa nasabing management company at masaya na siya sa kaniyang buhay pag-ibig kasama ang kaniyang French boyfriend na si Christopher Bariou na isang businessman.

Si Issa Pressman naman ay isang aktres, model, at singer na nagtatrabaho ngayon sa Careless Music.

Photo: James Reid IG and Yassi Pressman IG

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 Last