| Contact Us

Jamie Bautista at Anthony Leodones hiwalay na

Kate Papina February 28, 2024 at 03:48 PM Lifestyle

Kinumpirma ng sikat na vlogger na si Jamie Bautista ang pagtatapos ng relasyon niya sa kaniyang long-time boyfriend at kapwa vlogger na si Anthony Leodones.

“Anthony, we’ve been together for 9 years at ayun yung mga pinaka masayang taon ng buhay ko. We were 16 and 18 nung nagkakilala tayo, 18 ka naman at 20 ako nung mapagdesisyunan natin na magpakasal,” aniya.

Ikinuwento rin niya ang mga pinagdaanan ng kanilang relasyon at ang mga realization nila.

“Sobrang bilis at wala tayong pakialam kung ano yung mangyayare satin, basta ang alam lang natin mahal na mahal natin ang isa’t isa at gusto na natin laging magkasama dahil LDR din tayo non.. Kaya kahit ayaw pa pumayag ng mga magulang natin inilaban natin pareho. Mag kasama tayo sa saya, sa lungkot, sa hirap, at sa ngayong guminhawa kahit papaano yung buhay natin. Marami tayong pagsubok na pinagdaanan, marami tayong inilaban, marami tayong natutunan sa bawat isa, marami tayong natutunan sa buhay.. At isa na don yung hindi pala pwede na puro mahal lang natin yung isa’t isa kailangan pala nagg-grow din tayo pareho,” aniya.

“Ang daming nangyare be.. akala ko kaya ko parin ipaglaban kahit anong pangit ang mangyare sa relasyon natin, akala ko kaya ko.. Sinubukan ko naman diba? Sinubukan naman natin? pero di ko na namamalayan na unti unti na rin pala akong nauubos, unti unti tayong nauubos..,” pahayag pa ni Jamie.

May inamin din si Jamie tungkol sa feelings niya kay Anthony.

“Dahil sa nangyari in the past, aminado akong nabawasan talaga yung pagmamahal ko sayo, hindi na kita kayang mahalin kung paano kita dapat mahalin at alam kong ang unfair non dahil nakikita ko kung paano ka bumawi sakin at paano mo pagsisihan yon.. Siguro kailangan ko muna rin talaga magheal pong, kelangan ko din ayusin yung sarili ko para na rin sa ikakabuti ng bawat isa..,”saad niya.

Matatandaang isiniwalat ni Anthony sa kanilang vlog na nagcheat siya kay Jamie. Sinabi rin niya na nagkapatawaran na raw sila.

Nagsimula ang usap-usapan tungkol sa kanilang paghihiwalay nang ilabas kamakailan ni Jamie ang cryptic post na ito, “not all stories have happy ending”.

Napansin din ng mga netizen na hindi na nagpopost ang dalawa sa kanilang social media nang magkasama.

Sa huli, nilinaw rin ni Jamie ang tungkol sa kumakalat na speculation sa kanilang break up.

“Gusto ko lang din iclarify. yung sa mga gumagawa po ng fake news, there’s no third party involved. Maayos po naming napag-usapan ito at parehas po naming napagdesisyunan ito.”

“Gusto ko lang din sabihin na mag-ingat ka palagi, wag mo pababayaan yung sarili mo.
Thank you sa lahat ng memories,” pagwawakas niya.

Array