Jesus Christ Community Pantry
Mary Jessa C. Fajardo May 1, 2021 at 05:16 AM![](https://arkipelagonews.com/wp-content/uploads/2024/01/image-63.png)
Alam mo ba na ang itinuturing na kauna-unahang community pantry ay nangyari libu-libong taon na ang nakalipas at pinangunahan ito ng ating Panginoong Hesukristo?
Isang puso na handang tumulong sa mga nangangailangan — ito raw ang konseptong umiiral ngayon sa pagbubukas ng iba’t ibang community pantry sa bansa.
Ayon kay Father Nelson De Jesus Roque, miyembro ng The Congregation of the Blessed Sacrament, matagal nang naisagawa at isinasagawa ang ideyang umiiral sa likod ng mga community pantry.
“I believe that this has long been in existence except for it was being expressed in different forms,” aniya.
Patunay rito ang kwentong “Feeding the Multitudes.” Makikita ito sa apat na ebanghelyo ng Bibliya: Matthew 14:13-21; Mark 6:30-44; Luke 9:10-17; John 6:1-15.
“The community pantry brought back the essence of giving according to one’s capabilitiess and acquiring based on one’s needs. This new way of helping teaches us what was mentioned in the bible,” sabi ni Father.
Ayon sa ebanghelyo, ipinapakita ng “Feeding the Multitudes” kung paano napakain ni Hesus ang 5,000 na tao.
Nagtipon si Hesus, ang kanyang mga alagad, at ang libo-libong taong may sakit. Hindi na ninais ni Hesus na pauwiin ang mga tao sa kani-kanilang tahanan dahil gabi na.
Kaya iniutos niya sa kanyang mga disipulo na pakainin ang mga tao gamit ang limang tinapay at dalawang isda na bigay ng isang batang lalaki. May pag-aalinlangan man, sumunod ang kanyang mga alagad. At isang himala na nakakain at nabusog ang lahat.
Ipinapakita ng ebanghelyong ito ang “miracle of sharing.” Kung uunawain ang kwento, makikitang hindi minagic ni Hesus na dumami ang isda at tinapay. Bagkus ay nag-ambagan ang kanyang mga tagasunod ng mga baon nilang pagkain kaya dumami ito at napakain ang mga tao.
“The story shows the generosity of people to share what they have and to exhibit compassion and altruism towards each other,” paliwanag ni Father Nelson.
Sa tulong ng magandang halimbawa na ipinakita ni Hesus at dahil sa kanyang mga pangaral, nabuksan ang isipan ng mga tao. Napagtanto nila ang kahalagahan ng pagbabahagi at pagtulong sa kapwa.
“The people wholeheartedly shared what they have and even put aside their own hunger to satiate those of others,” dagdag ni Father.
Itong konsepto na ito raw ang nasasalamin ngayon ng mga community pantry. Nag-aambagan ang mga may mabubuting puso para makatulong sa mga higit na nangangailangan.
Base sa Facebook post ng mga organizer ng community pantries, ang ibang donor nila ay kapos din sa buhay. Sila mismo ang layuning tulungan ng mga pantry. Pero kahit na nagigipit din, gusto pa rin nilang makatulong sa kapwa. Sila ang nagbibigay ng lima hanggang bente pesos at ilang piraso ng noodles o gulay.
Ayon kay Father Nelson, ang pagbubukas ng mga community pantry sa bansa ay pagmumulat rin ng mata ng mga Pilipino.
“This open our eyes to the deep truth that God wants us to see. In the depths our hearts lies the spirit of sharing oneself. We should do our best to satiate the hunger of each one of us without going overboard. Therefore, acquire only what is just and enough so that there will be left for others,” dagdag pa ni Father.
Isinasabuhay ng Maginhawa Community Pantry, ang unang pantry na nagbukas sa bansa, ang kanilang slogan na “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.”