Kayumanggi ng Ben&Ben ginamit sa bagong labas na music video ng Maria Clara at Ibarra
Kate Papina February 19, 2023 at 08:14 PM EntertainmentSa nalalapit na pagtatapos ng seryeng “Maria Clara at Ibarra,” inilabas ng GMA Network ang bagong music video nito gamit ang sikat na kantang “Kayumanggi” ng bandang Ben&Ben noong February 18.
Makikita sa music video ang pagsisimula ng pag-iibigan ng dalawang love team na Team Filay at Clarisostomo. Ang Filay ay tumutukoy kina Fidel at Klay na ginagampanan nina David Licauco at Barbie Forteza. Habang ang Clarisosotomo naman ay tumutukoy kina Maria Clara (Julie Anne San Jose) at Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo).
Mapapanood din ang mga natatanging eksena sa nobela ni Dr. Jose Rizal na “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” at maging ang ilang spoiler’s scene na hindi pa ipinapalabas sa telebisyon.
Matatandaan na noong sumisikat pa lamang ang serye noong October 2022, napansin na ito ng isa sa lead singer ng Ben&Ben na si Paolo Benjamin at nag-tweet siya ng “#MariaClaraAtIbarra is such a groundbreaking show. Kudos to everyone involved.”
Ang kantang “Kayumanggi” ay kasama sa album ng Ben&Ben na “Pebble House, Vol. 1: Kuwaderno” noong 2021. Mapapanood ang bagong music video nito sa youtube channel na GMA PINOY TV.
Ikinatuwa at puring-puri rin ng mga manonood ang music video.
“MCAI IS A CULTURAL RESET. But having Ben&Ben enclosed with their song is just pure magic. I’m crying. This is a masterpiece,” pahayag ng isang netizen.
“I don’t know why but this hits me different. I was teary-eyed while watching this music video. Bagay na bagay ang kanta sa MCAI. Makes me really proud to be Filipino,” komento naman ng isang netizen.
“Isang mahigpit na yakap sa ating Inang bayan! Thank you for this work of art, GMA! Thank you to this amazing cinematography, to all the crazy twists and turns, to every actor/actresses who brought each character of Noli and El Fili to life. Salamat sa mga aral na naiparating ninyo sa bawat Pilipino sa pamamagitan nito. Nawa’y patuloy na mag-alab pa ang pagmamahal natin sa ating kasaysayan at pagmamalaki sa mga natatanging bayani na nagpamulat sa ating mga mata. Mabuhay ang mga anak ng bayan,” saad ng isa pang netizen.
Photo: GMA Drama