Kim Chiu supportive kay Paulo Avelino
Cristine Arogante October 21, 2024 at 01:15 PM Entertainment
MANILA — Usap-usapan ngayon ang pag-like at pagrepost ni Kim Chiu sa kaniyang Instagram story ng IG reel ni Paulo Avelino.
Ang post ni Paulo ay tungkol sa isang event ng Hyundai Motors PH na kaniyang dadaluhan. Mapapanood naman sa video na nagmamaneho si Pau sa isang race track.

Hindi magkamayaw sa kilig ang #KimPau fans, lalo na’t inaabangan din nila ang bagong romcom movie entitled “My Love Will Make You Disappear” na pagtatambalan muli ng dalawa.
Una nang nagsama sina Kim at Paulo sa kanilang hit series na “Linlang” at “What’s Wrong with Secretary Kim”.

Sa ngayon, wala pang eksaktong petsa kung kailan ipapalabas sa sinehan ang kanilang bagong pelikula.
📷 Screenshot from Pau Avelino IG