Layag na layag ang Team Filay!
Kate Papina December 9, 2022 at 06:47 PM EntertainmentNainterview ng CNN Philippines sina Barbie Forteza at David Licauco noong Miyerkules, December 7. Sila ang mga aktor na gumaganap bilang Klay at Fidel sa pinag-uusapang drama series ng GMA na Maria Clara at Ibarra.
Kasama sa tinalakay sa panayam ang mga paghahandang ginagawa ng mga direktor, photographers, cinematographers, consultants, staffs, at ang mga nagtatrabaho behind the camera.
Ibinahagi rin ni Barbie na ang nagustuhan niya sa kaniyang role bilang Klay ay ang pagpopromote niya ng women empowerment.
“Noong panahon na wala pang paniniwala ang mga kalalakihan sa mga kababaihan, parang si Klay yung naging boses ng kababaihan,” aniya.
Para kay David naman, ang nagustuhan daw niya sa kaniyang karakter na si Fidel ay noong nakilala na nito si Klay.
“Fidel’s character is a playboy, comes from a rich family, and entitled talaga, so nagchange lang siya when he met Klay. So nainlove siya and then eventually yung perspective niya about life, it became different.”
Inaanyayahan ng dalawa ang kanilang mga taga-suporta na patuloy na tumutok sa Maria Clara at Ibarra dahil marami pa raw dapat abangan sa serye.
Mapapanood gabi-gabi ang dekalibreng historical series ng GMA sa ganap na 8:00 pm.
Photo: David Licauco Ig