Majority ng adult Filipinos pabor sa impeachment trial ni VP Sara Duterte – OCTA Research
Mike Manalaysay April 16, 2026 at 06:40 PM
MANILA — Malinaw ang sentimyento ng publiko: pabor ang 69% ng mga adult Filipinos na humarap si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial para tugunan ang mga alegasyon laban sa kanya, ayon sa pinakabagong Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research Group.
Batay sa tanong ng survey, “Sa tingin ba ninyo ay dapat harapin ni Bise Presidente Sara Duterte ang paglilitis sa Senado o impeachment court upang sagutin ang mga paratang laban sa kanya o hindi?” 69% ng respondents ang nagsabing dapat sumailalim sa trial si Duterte. 28% naman ang nagpahayag na hindi sila sang-ayon at 3% ang sumagot na wala silang kaalaman sa isyu.
Dagdag pa ng OCTA, 87% ng respondents ang nagsabing alam nila ang impeachment case laban kay VP Duterte. Pinakamataas ang antas ng awareness sa Mindanao (91%), na sinundan ng Visayas (88%).
Isinagawa ang survey mula Marso 19–25, 2026 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 adult respondents mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
📷 Inday Sara Duterte FB