Medical Marijuana okay kay DOH Sec. Herbosa
Reggie Vizmanos August 8, 2023 at 06:23 PMPabor si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na gawing legal ang medical cannabis o paggamit ng sangkap ng marijuana para sa paggamot sa ilang partikular na sakit o kondisyong medikal ng mga pasyente sa bansa.
Sa isang news forum, sinabi ni Herbosa na, “Ako ay sumasang-ayon sa pagsasa-ligal ng medical cannabis. May medical cannabis na po sa Pilipinas, pero under Compassionate Use Permit… Madami na pong medical use ang cannabis, tulad ng sa Glaucoma, seizure disorder… yung nagkakaroon ng epilepsy, cancer pain, anti-depressant… ginagamit iyan. So, may medical use na.”
Gayunman ay nilinaw ng kalihim na tutol siya sa pagtatanim at pag-manufacture nito sa Pilipinas.
“I’m for the legalization of medical use of marijuana, but I’m not in favor of cultivating marijuana plants for farming, and manufacturing kasi ‘pag ganoon, wala pa tayong checks and balance e,” dagdag niya,
“Hindi ko rin mako-confirm na dito tayo magma-manufacture kasi mapo-promote ‘yung pag-plant. The reason for that is lahat ng gamot magiging imported. ‘Pag imported pa rin siya, madali mo siyang makontrol kasi ibig sabihin noon, medical marijuana would still be regulated,” sabi pa ni Sec. Herbosa.
Photo: Ted Herbosa FB