| Contact Us

Metro Manila road-to-zero waste summit idinaos

Anna Hernandez November 5, 2024 at 09:09 PM

MANILA — Isinagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw ang kauna-unahang Road to Zero Waste Summit na may layuning isulong at ipakita ang iba’t ibang paraan upang masolusyunan ang mga suliranin tungkol sa solid waste management sa Metro Manila.

Bahagi ang summit ng 10-Year Road to Zero Waste Program para sa Metro Manila na naglalayong baguhin ang mga dating nakasanayan sa waste management.

Binigyang diin ni MMDA Chairman Don Artes ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagkamit ng layunin ng programa.

“The program is designed to encompass all types of waste generated in the metropolis, focusing on innovative approaches that transform solive waste into valuable resources,” ayon kay Artes.

“Today marks the beginning of a dynamic collaboration between the government and the private sector intended to bridge the gap in promoting environmental sustainability through the ecological use of solid waste as a source,’” paliwanag pa niya.

Nagkaroon din ng exhibit na nagtatampok sa mga produktong gawa mula sa solid waste pati na rin ang mga teknolohiya na gumagamit ng solid waste bilang raw material.

Ipinaliwanag din ni MMDA General Manager Procopio Lipana na ang 10-Year Road to Zero Waste Plan ng Metro Manila ay isang pangako sa pagtatapon at pamamahala ng solid waste, na nagpoprotekta sa mga landfill; pagsunod sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at sa Extended Producer’s Responsibility Act of 2022; kabilang ang adbokasiya para sa isang green procurement roadmap.

Ayon sa 2023 Waste Analysis and Characterization study sa Metro Manila na isinagawa ng MMDA, halos 21.44% ng basura mula sa mga kabahayan ay maaaring i-recycle. Ayon naman sa ulat ng DENR-EMB, tinatayang 85% ng basura ay maaaring i-compost.

“We cannot ignore the urgent need to address these waste types. If left unattended, they will continue to degrade our environment, pollute our waterways, contribute increasingly to flooding, and hinder our economic growth, ultimately impacting our economy and overall public health,” ani Lipana.

Nagpahayag naman ng suporta sa programa ang ilang  opisyal tulad nina Malabon Mayor Jeannie L. Sandoval; Department of Environment and Natural Resources Undersecretary for Policy, Planning and International Affairs Atty. Jonas R. Leones; Department of the Interior and Local Government Assistant Secretary for Local Government Atty. Jessi Howard S. Lanete; Commissioner Crispian Lao, Vice Chairman ng National Solid Waste Management Commission; at Laguna Lake Development Authority Acting General Manager Atty. Senando A. Santiago.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang MMDA sa pribadong sektor dahil sa kanilang pakikipagtulungan sa ahensya. Lumagda ang mga private partner sa pledge of commitment na naglalayong makahanap ng mga makabagong solusyon upang maisakatuparan ang pagbabago sa lipunan at pag-unlad ng kapaligiran.

📷 MMDA

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 56 Last