| Contact Us

Mga kawani ng LRT isinailalim muli sa training makaraang may pasaherong naipit ang daliri sa tren

Reggie Vizmanos September 14, 2023 at 04:38 PM

Tiniyak ng operator ng Light Rail Transit-Line 1 (LRT-1) ang pagsasailalim muli ng kanilang mga tauhan sa customer service training kasunod ng nag-viral na insidente ng pagtrato nila sa isang pasaherong pumindot ng emergency button upang tulungan ang kapwa pasahero na naipit ang daliri sa pinto ng tren.

Una rito ay nag-post si Mhina C. Fabre sa Facebook tungkol sa nasaksihan niyang pangyayari sa LRT-1 Monumento Station noong August 23, Miyerkules, na “Baclaran Day” o araw na maraming nagtutungo sa Baclaran church upang magsimba, at morning rush hour din noon.

Dito umano kasi sa LRT-1 sumasakay ang maraming nagsisimba sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help o mas kilala bilang Baclaran Church kung saan ay maraming deboto ang nagno-novena tuwing Miyerkules lalo na’t bababa lang sila sa LRT-1 Baclaran station.

Ayon kay Fabre, bandang 7:45 a.m. noon.

“We know that time was so Siksikan,Tulakan,at alam naman nating minsan may kasama pa ngang BALYAHAN,” ayon kay Fabre.

“Out of nowhere, during closing doors, MAY PASAHERONG NAIPIT ANG DALIRI SA PINTO he keeps knocking the door para mabuksan, pero AYAW,” dagdag pa niya.

Nakita pa umano ni Fabre na kumatok ang lalaki sa pinto upang mabuksan ito pero nanatiling nakasarado ang pinto.

Sa gitna ng pangyayari ay mayroon umanong nagmungkahi na pindutin ang emergency button sa loob ng tren upang bumukas ang pinto.

Isang pasaherong nasa malapit sa pinto ang tumugon sa mungkahi at pinindot ang emergency button. Kasunod nito ay bumukas na ang pinto ng tren.

Ilang sandali pa aniya ay lumapit ang isang gwardiya at sinabing kailangang bumaba ng tren ang pumindot ng emergency button.

Agad aniyang nagtulong-tulong ang mga pasahero sa pagpapaliwanag ng pangyayari subalit ayaw makinig ng guwardya sa kanila.

Lumapit din umano sa kanila ang driver ng tren at sinabi nito na hindi dapat ginawa ang ganoong pagpindot sa emergency button.

Makaraan umano ang 3-5 minuto ay sumara na ang pinto ng tren.

Kuwento pa ni Fabre, “The sad part is, they don’t even bother to ask kung Kamusta ‘yung naipit na daliri ng pasahero? If he needs assistance [or] medics? Lastly, kung ok lang ba [siya]”?

“[Si] kuyang nagmalasakit? AYUN. Pinababa at kukunan [daw] ng Incident Report. ‘NAGMALASAKIT NA, NA ABALA PA!’ So LRT, PARA [SAAN] NGA BA ANG PAGGAMIT NG EMERGENCY BUTTON????????” dagdag na tanong niya sa kaniyang Fb post.

Matapos nag-viral ang insidente ay nag-isyu ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) ng apology statement noong September 4 o makalipas ang sampung agaw. Tiniyak nito ang pag-“reiterate and refresh the customer service training” sa kanilang mga staff upang hindi na maulit ang pangyayari.

Ayon pa sa pahayag ng LRMC, “We sincerely apologize for the unfortunate incident that happened at LRT-1 Monumento Station last 23 August 2023 involving a male passenger who was door pinned while boarding a Gen-1 train of LRT-1 from the station platform, and another passenger who pressed the emergency button inside the train,” anila.

“Based on initial incident review, the affected male passenger boarded the train and held on to the door causing his fingers to be caught between the closing doors. We note that among the different generations of LRT-1 trains, the Gen-1 train set was not designed with automatic door sensors.”

“The male passenger was immediately assisted by the platform security personnel. He was offered to be brought to the LRMC Clinic at Central Station, but he declined and availed of the first-aid treatment at Monumento Station for his minor right thumb injury,” paliwanag pa nila.

Sinabi pa ng LRMC na nagsasagawa sila ng malalimang imbestigasyon sa insidente.

Photo: Mhina C. Fabre

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 56 Last