| Contact Us

Miles Ocampo, nagtrending dahil sa husay ng pag-arte niya sa seryeng Ang Batang Quiapo

Kate Papina February 2, 2023 at 06:11 PM Entertainment

Samu’t saring papuri ang natanggap ni Miles Ocampo dahil sa mahusay na pagganap niya sa pilot episode ng “Ang Batang Quiapo.” Nagtrending agad sa iba’t ibang social media sites ang kaniyang pangalan dahil sa pagdadala niya ng mga mabibigat na eksena. Halos pumalo sa mahigit 300k concurrent views ang mga nanonood sa Kapamilya Online Live ng seryeng ito.

Sa interview ni Bernadette Sembrano kay Miles, sinabi niya na hindi raw niya inakala na matatamo niya ang ganitong pagkilala. Aniya, masaya siya kapag may nakaka-appreciate ng kanyang ginagawa bilang aktres.

“Weakness ko kasi ‘yung pagsinabi nilang proud sila sa’kin… ‘Pag naririnig ko ‘yun sa boyfriend ko, sa management ko sa family ko. Worth it pala ang pag-iri ko at paggapang ko sa palengke.”

“Sabihan mo ‘ko ng masasakit na salita, hindi ako iiyak; pero sabihin mong proud ka sa ‘kin, maiiyak ako. ‘Cause I’m always doing my best. Gusto ko meron lang makakita ng effort na ginagawa ko,” dagdag pa niya.

Pero sa kabila ng kasikatan na nararanasan niya ngayon, inamin ni Miles na umabot na rin siya dati sa puntong tinatanong niya ang kaniyang sarili kung may patutunguhan ba ang kaniyang career. Gusto niya rin daw na maging kagaya nina Julia Montes at Kathryn Bernardo.

“Sina ate Julia at ate Kath sa first batch namin na sikat na sikat after ng ‘Mara Clara’ tapos nandon ako sa awkward stage na gusto ko rin ng ganon,” paliwanag niya.

Pero narealize niya rin daw na sa movie industry na kaniyang kinabibilangan, hindi palaging nakukuha ang spotlight at naisip daw niya na baka hindi pa dumarating ang panahon para sa kanya.

“Kaya once na may ibinigay na project sa ‘yo, that’s the time na galingan mo para time mo to shine, ibigay mo ang best mo kasi hindi mo alam kung sino ang makakapanood no’n,” aniya.

Dumagsa naman ang mga komento ng papuri para kay Miles Ocampo na galing sa mga kapwa niya artista.

“Congratulations, buggy! you are a beast. couldn’t be any prouder,” komento ni Ej Canlas.

“Our bunsoooo ??????????????,” ayon naman kay Dimples Romana.

“Dasurv @milesocampo ??????,”ani Maja Salvador.

“Deserve ang validation ng madlang pipol??,” pahayag ni Alor Sasam.

Dating commercial model si Miles Ocampo. Nakilala siya sa dating sikat na children’s gag show na “Goin’ Bulilit.” Sa kasalukuyan, parte siya ng Crown Artist Management talent at isa na siya sa mga co-host ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Photo: Miles Ocampo IG, Bernadette Sembrano Youtube Channel

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 Last