No one should have to experience hate or bullying – Selena Gomez
Kate Papina March 26, 2023 at 12:29 AM EntertainmentSa isang Instagram story, naglabas na ng pahayag si Selena Gomez tungkol sa isyu nila ni Hailey Bieber at Justin Bieber.
Ayon kay Selena, nagreach out na raw sa kanya si Hailey at nagsabing nakakaranas siya ng pambubully at nakakatanggap ng mga death threat.
Matatandaan na nagsimula ang isyu ng dalawa noong February 2023 nang inakusahan si Hailey Bieber na pinapatamaan niya sa kanyang mga post si Selena Gomez. Nangyari ito nang nagpost si Selena sa Tiktok ng pag-aayos ng kanyang kilay at sinabing nasobrahan ito, “I accidentally laminated my eyebrows too much.”
Tatlong oras matapos ang Tiktok post ni Selena, nagpost naman si Kylie Jenner, kaibigan ni Hailey, ng picture ng kanyang kilay sa Instagram Story. May caption ito na, “This was an accident?”
Kasunod nito ay naglabas uli ng IG story si Kylie habang kafacetime niya si Hailey at ipinapakita nila ang kanilang mga kilay.
Dahil dito marami sa mga fans ni Selena ang nagalit kina Hailey at Kylie. Sa katunayan, nabawasan ang dalawa ng isang milyong followers sa Instagram. Hanggang ngayon, marami pa rin ang galit at nagsasabi ng masasamang salita sa kanila. Kaya naman si Selena na mismo ang nakiusap sa kanyang mga fans na tigilan na sana ang hatred.
“This isn’t what I stand for…I’ve always advocated for kindness and really want this all to stop,” pahayag niya.
Dagdag pa niya, hindi dapat makaranas ang sinuman ng “hate” o “bullying” at nais na niyang matigil ang mga hate speeches.
Si Selena Gomez ay dating kasintahan ng sikat na pop singer na si Justin Bieber. Tumagal ng walong taon ang kanilang relasyon at natapos ito noong May 2018. Tatlong buwan matapos silang maghiwalay ay nagpakasal na si Justin kay Hailey noong September 2018.
Photo: Selena Gomez IG, ACADEMY MUSEUM GALA FB