Ogie Diaz, nagbigay ng reaksyon sa pahayag ni Liza Soberano
Kate Papina March 1, 2023 at 04:04 PM EntertainmentMatapos talakayin ni Liza Soberano sa kanyang bagong vlog ang tungkol sa kaniyang nararamdaman at karanasan bilang aktres, nagbigay naman ng kanyang reaksyon ang dati niyang manager na si Ogie Diaz.
“Kung sinasabi ni Liza na kinu-control siya ng mga taong nasa paligid niya, kung ako man yan at ang Star Magic, gusto kong magpasalamat kay Liza kasi sinunod niya kami. Kaya siguro sumikat siya.”
“Imaginin niyo ha, kung walang nangyari sa career ni Liza noong hawak ko siya at ng Star Magic, malamang iba ang narrative niya ngayon. At least okay na ‘yan. Kaysa naman sa nagra-rant na walang nangyaring maganda sa career ‘di ba?,” saad ni Ogie sa kanyang YouTube vlog.
Si Diaz ang talent manager ni Soberano sa loob ng labing-isang taon bago lumipat ang aktres sa talent agency ni James Reid na isa ring aktor. Dagdag pa ni Diaz, dahil sa nabuong career ni Liza Soberano nabigyan niya ng maganda at maginhawang buhay ang kaniyang pamilya.
“Nabigyan mo ng bahay at magandang buhay. Nakakapagpadala ka rin ng tulong sa Mommy sa States. Naibili mo ng bahay ang lolo’t lola mo sa States na kumupkop sa inyo noon gmga bata pa kayo sa Amerika….Lahat ‘yan dahil sa’yo. Dahil sa pagiging Liza Soberano mo anak,” pahayag niya.
Sa huli, sinabi ni Diaz na hangad niyang magtagumpay ang dati niyang alaga sa bagong daan na kanyang tatahakin. Binigyang diin din niya na malaki rin daw ang utang na loob niya kay Liza.
“Ito anak ah, wa etchos to. I wish you good luck sa bagong bihis na Liza Soberano. Alam mo ito, lagi kong sinasabi kahit kanino. Malaki ang utang na loob ko sa’yo. Dahil ang mga kinita ko sa’yo bilang manager, ang pinambabayad ko sa hospitalization ng inaanak mong si Meera Khel noong 2017 na six years old na siya ngayon.”
“Nung naghiwalay tayo bilang manager-talent, sabi ko sa ‘yo basta may concerns ka, problema o tanong, nandito lang palagi ang Tito Ogie mo, maghihintay lang ng tawag o text mo,” dagdag pa ni Diaz.