One month extension para magparehistro, iminungkahi ng mga senador
Cristine Arogante September 21, 2021 at 03:35 PMNagpasa ng resolusyon sa senado si Sen. Francis Pangilinan na naglalayong i-extend pa ng isang buwan ang voter registration sa bansa noong Martes, September 14.
Sinang-ayunan siya ng iba pang Senador katulad nina- Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Sen. Nancy Binay, Sen. Leila de Lima, Sen. Risa Hontiveros, at Sen. Joel Villanueva.
“Nationwide, dahil sa suspension ng five and a half months, tinatayang 28.3% na mga araw ng pagpaparehistro ang nawala. Halos tatlong araw sa sampung registration days ang nawala,” ayon kay Pangilinan.
Tinutukoy niya ang mahigit limang buwan na pag-suspend ng voter registration ng Comelec ng unang ipanukala ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Pilipinas.
Nagpahayag naman ng kaniyang pagsuporta si Vice President Leni Robredo para sa panawagan na ito ng mga Senador.
“Naiintindihan natin ‘yung Comelec kasi dahil digitized yung election, kailangan talagang gumalaw na sila, kailangan talagang ayusin na nila lahat so kailangan maglagay ng deadline. Pero baka naman puwede, Ka Ely, possible na i-delay pa siya for another month para lang siguradong makahabol ‘yung mga hindi pa nakaka-rehistro,” pahayag ni VP Robredo sa kaniyang weekly radio show DZXL.
Photo courtesy of Sen. Kiko Pangilinan Fb Page