P20 kada kilo na bigas kaya pang maabot ayon sa DA
Reggie Vizmanos August 2, 2023 at 05:23 PM
Kakayanin pa ring mapababa sa P20 kada kilo ang presyo ng bigas sa bansa sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng sektor ng agrikultura.
Ang pagpapababa ng presyo ng bigas ay isa sa mga campaign promises ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Mercedita Sombilla, kakayaning mapababa ang presyo ng bigas sa mga pamilihan kapag hindi na gaanong apektado ang Pilipinas ng mga pagtaas ng presyo ng abono at ng petroloyo, gayundin ng El Niño phenomenon, at ng pananalanta ng mga bagyo at iba pang pagsama ng panahon.
“In the long run, kapag talagang gumanda ang ating productivity, and that is what DA is really aiming for…, the government is aiming for, it’s achievable. We can achieve that. And of course, tulong-tulong talaga para sa ‘pag-achieve n’yan,” ani Sombilla.