| Contact Us

Pagbabakuna sa Caloocan, nagsimula na

Mike Manalaysay March 29, 2021 at 12:22 PM

Nagsimula na ngayong araw ang vaccination program ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan. Ayon sa official Facebook page ni Mayor Oca Malapitan, “kasama sa babakunahan ang mga residenteng 18-59 years old, may high-risk exposure sa COVID-19 at mga taong may comorbidity (may isa o higit pang sakit).”

Isasagawa ang pagbabakuna mula 8am hanggang 4pm sa Caloocan City Hall North covered court, Tala, Glorieta at Caloocan High School. Gagawin din ito sa Buena Park covered court mula 1pm hanggang 4pm.

Gumulong na rin ngayong araw ang pagbabakuna sa mga senior citizen ng lungsod. Idinaos ang programa sa Kasarinlan Elementary School at Buena Park covered court.

Ayon pa sa pahayag ng LGU, sumailalim ang mga senior citizen sa “profiling” para makuha ang mga importanteng impormasyon tungkol sa kanilang health condition bago sila bakunahan.

Nakaantabay rin daw ang mga health worker sa mga vaccination site para siguraduhing maayos ang kondisyon ng mga babakunahan mula sa assessment, sa mismong oras ng pagbabakuna, at bago sila pauwiin. Nananawagan naman ang punong lungsod ng Caloocan sa mga residente na nasa priority category na magpabakuna para makaiwas sa bagsik ng COVID-19.

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 56 Last