| Contact Us

Paolo Duterte inalmahan ang pagkaltas sa kanyang pondo; Binatikos din ang mga nasa likod ng chacha sa Kongreso

Reggie Vizmanos January 12, 2024 at 03:45 PM

Mariing kinondena ni Rep. Paolo “Pulong” Duterte (Unang Distrito ng Davao City) ang aniya’y pagkaltas ng dalawang bilyong pisong pondo para sa Davao mula sa national budget at ang pangunguna umano ng ilang lider ng Kamara sa charter change o cha-cha.

“I also would like to inform all Dabawenyos, most especially in my district, that the House leadership has taken out P2 billion from your NEP budget for the district and left only a measly P500 million for Dabawenyos this year,” ayon sa kongresista.

Ang kinaltas umano na pondo sa National Expenditure Program (NEP) ay para sana sa mga proyekto sa kaniyang distrito ngayong taon.

“To all congressmen ganging up on us, do not give me that kind of BS because I will not starve to death if you take my budget away. Ang kawawa is yung mga Dabawenyos na bumoto kay PBBM,” ani Duterte.

“I also heard from reliable sources that even the senators are explicitly requested to refrain from putting projects in my district,” dagdag pa niya.

Nagmatigas din si Cong. Duterte na paninindigan ang kanyang desisyon.

“Hindi ako luluhod sa inyo para mabigyan ng proyekto lalo na at may 30% pang kinukuha ang isang pekeng panginoon…Again, ang kawawa ay ang mahal kong mga dabawenyo.”

Ipinaliwanag din ni Duterte na nanatili siyang tahimik sa mga nagdaang buwan dahil ayaw niyang maapektuhan at magdusa ang kaniyang mga constituents dahil sa aniya’y “dirty politics” o maruming pulitika sa House of Representatives.

Samantala, binatikos din ni Duterte ang mga nagsusulong ng charter change o pagbabago ng konstitusyon sa Kongreso.

“This so-called people’s initiatives for charter change is nothing but pure PI.”

Tutol umano siya sa naturang people’s initiative dahil hindi naman ito tunay na boses ng mamamayan bagkus ay boses lang ng iilan na gustong palawigin ang paghawak sa posisyon at kapangyarihan.

Ayon pa sa kanyang post, may nakalap din umano siyang impormasyon na si PBA Partylist Rep. Margarita “Migs” Nograles ang pasimuno ng aniya’y PI movement sa Davao City.

Pahayag pa ni Duterte, “To all Dabawenyos, do not sell your soul for a mere P100 or 10,000 in exchange for your signature. If you want to follow the MINIONS of the person DREAMING TO BE GREAT in Congress to perdition that is your choice.”

Sumegunda naman kay Duterte si Rep. Isidro Ungab (Ikatlong Distrito, Davao City).

Sa kaniyang inilabas na pahayag sa Facebook, sinabi ni Ungab na may natanggap siyang mga ulat na maraming residente sa kaniyang distrito ang pinapapirma sa mga “petition forms” para sa charter change kapalit ng claim stubs na may katumbas na halagang mula P2,000 hanggang P3,000.

Marami rin umanong ulat na mga lider at organizer mula sa PBA Partylist ang nasa likod ng naturang signature campaign para sa cha-cha.

Iginiit niya na bagama’t nakasaad sa konstitusyon ang pagbabago ng saligang batas sa pamamagitan ng People’s Initiative, kailangang malinaw na ipinapaliwanag sa mga pinapapirma ang lahat ng detalye ng mungkahing amyenda.

Sabi pa ni Rep. Ungab, “It cannot be overly emphasized that the ‘consent of the governed’ in a People’s Initiative or whatever electoral exercise must be based on free will and should not be vitiated or corrupted. Such acts are tantamount to ‘vote buying’.”

Idineklara rin nina Duterte at Ungab na, “Hindi nabibili ang boto ng mga Dabawenyo.”

Photo: Paolo Duterte FB

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 56 Last