PBBM sa kanyang SONA 2023: Sa palagay ko naman, meron naman tayong ipapakita
Kassandra Mariano July 21, 2023 at 08:50 PMTatlong araw bago ang kaniyang ikalawang SONA, tila ipinapahiwatig na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na magiging simple, konkreto at direkta ang ulat ng kaniyang panunungkulan.
Sinabi niya sa seremonya ng Award for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU) sa Pampanga, na asahan umano sa kaniyang SONA ang performance ng administrasyon upang makita kung ito ba ay may kabuluhan o panay satsat lamang.
Ninanais ni Marcos na ipaliwanag sa mga Pilipino ang makabuluhang pag-unlad sa Pilipinas lalo na ang pagtingin ng international community sa bansa.
Magiging pokus din umano rito ang kasalukuyang kalagayan ng bansa, ang mga isinagawang proyekto sa mga nagdaang buwan, mga plano ng administrasyon sa mga susunod na taon at ang mga dapat pang pamahalaan sa bansa.
“It will be a report to the nation as to what the situation has been, what happened in the last year since the last SONA, where we are now, what we have managed to do, and where we still have work to do,” pahayag ng Pangulo.
“So, the things that I mentioned in the first SONA, we will have a look and see ano na nangyari doon sa mga ating pinag-usapan nung unang SONA. At sa palagay ko naman, mayroon naman tayo ipapakita and that’s what the content of the SONA, I think, will probably be,” paliwanag ni PBBM matapos siyang tanungin tungkol sa paghahanda para sa ikalawang SONA na nakatakdang ihatid ng pangulo sa Hulyo 24, 2023.
Matatandaang pakikipagkaibigan, kooperasyon at pakikipagtulungan sa iba’t ibang bansa ang layon ng Pangulo sa kaniyang unang SONA.
“With respect to our place in the community of nations, the Philippines shall continue to be a friend to all and an enemy to none,” ani Marcos.
“If we agree, we will cooperate and we will work together.
Photo: Office of the President FB