| Contact Us

Pondo ng NTF-ELCAC pinapatanggal

Mike Manalaysay April 22, 2021 at 11:43 AM

Kinokonsidera ni Senator Joel Villanueva at ng iba pang senador na tanggalan ng budget ang National Task Force to End Local Communist Insurgency (NTF-ELCAC).

Sa isang message sa tweeter noong April 21, sinabi ng senador na tila nasasayang lang ang 19.1 bilyong pisong budget sa taong ito na inilaan para sa anti-insurgency task force.

Nag-ugat ito nang ihalintulad ni Lieutenant General Antonio Parlade Jr si Ana Patricia Non kay Satanas. Tagapagsalita ng NTF-ELCAC si General Parlade habang si Ana Patricia Non naman ang nagtatag ng Maginhawa Community Pantry.

“Oh my! We should move to defund NTF-ELCAC in the next budget. Sayang lang pera ng taong bayan,” ayon kay Senator Villanueva.

Nagmungkahi rin si Senator Villanueva na mas mabuting ibigay na lang ang pondo ng task force sa mga Pilipinong nahihirapan dahil sa pandemya.

Sumang-ayon naman sa kanya si Senator Sherwin Gatchalian.

“I agree bro. If these are the kind of people who will spend hard earned taxpayer’s money, then it’s not worth it,” komento ni Senator Gatchalian.

Sa panayam naman ng CNN Philippines kay Senator Nancy Binay noong Miyerkules, sinabi niya na panahon na para ireview ang budget ng NTF-ELCAC.

“Budget season is coming, we will be, I will really make sure that we’ll be addressing the budget for NTF-ELCAC. Maybe it’s high time that we really review their budget,” ayon kay Senator Binay.

Nauna nang kinondena ni Senator Risa Hontiveros ang ginagawa umanong red-tagging ng anti-communist task force sa mga organizer ng mga community pantry.

Sa kanyang Facebook post, sinabi niyang sang-ayon siyang tanggalan ng pondo ang naturang ahensya.

“I agree, a hundred percent, with calls to defund the government’s anti-insurgency task force. Nung nakaraang taon, hinadlangan at tinutulan na namin ‘yang

NTF-ELCAC budget, noong budget debates pa lamang,” paliwanag ni Senator Hontiveros.

Itinanggi naman ni Parlade na may kinalaman ang task force sa red-tagging. Sinisigurado lang daw nilang walang ibang agenda ang mga organizer ng mga community pantry.

Photos courtesy of the FB pages of Sen. Joel Villanueva, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Nancy Binay and Sen. Risa Hontiveros.

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 56 Last