| Contact Us

South Korean Actor na si Na Chul, pumanaw na sa edad na 36

Kate Papina January 21, 2023 at 10:15 PM Entertainment

Nakumpirma ang balita dahil sa inilabas na ulat ng Star News Korea. Ayon sa kanilang report, isinugod daw sa ospital ang aktor dahil sa malalang karamdaman. Hindi naman binanggit kung ano ang kanyang sakit.

Nakilala si Na Chul sa kaniyang pagganap sa mga sikat na drama series tulad ng “Vincenzo,” “Weak Hero Class 1,” at “Happiness”.

Noong 2021, mas sumikat siya sa karakter niya bilang abogado ni Kim Go Eun sa Netflix movie na “Little Women”.

Nagsimula ang career ni Na Chul noong 2010 sa pagganap niya sa mga supporting roles sa ilang Korean drama series at pelikula kagaya ng “Touch Your Heart,” “Through The Darkness,” at “Tune in for Love”.

Bilang pagluluksa nagbahagi si Kim Go Eun ng mga litrato ng aktor sa kaniyang Instagram account.

“The best actor ever and the most amazing man, dad, husband, son, friend,” aniya.

Ayon sa Allkpop, magsisimula ang kaniyang burol sa January 23, Lunes, 8:30 am.

Rest in peace, Na Chul.


Source: Allkpop.com, Kim Go Eun Ig

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 Last