| Contact Us

Suporta sa mga atletang Pilipino na sasabak sa nalalapit na 2020 Tokyo Paralympics, ipinanawagan ni Cong. Malapitan

Ace Cruz August 23, 2021 at 04:28 AM

Nanawagan si Caloocan City Congressman Along Malapitan sa mga residente ng lungsod na suportahan ang mga Pilipinong lalahok sa nalalapit na 2020 Tokyo Paralympics na magbubukas sa Agosto 24,2021.

Ayon kay Malapitan hindi pa tapos ang pagpapakitang gilas ng mga atletang Pilipino sa naturang torneo bagay na nakita niya ng personal niyang bisitahin si Allain Ganapin na pambato ng bansa sa Taekwondo.

Binigyang diin pa ng opisyal na nararapat lamang suportahan ng publiko ang mga atleta dahil sa dedikasyon ng nga ito na mag-uwi ng karangalan sa bansa sa larangan ng iba’t ibang sports.

“Hindi pa natatapos ang ating laban sa Tokyo 2020 Olympics. Mayroon pa tayong Paralympic athletes na walang humpay ang dedikasyon sa kanilang pagsasanay upang makapagbigay karangalan sa ating bansa,” ani Malapitan.

Dagdag pa ng congressman, ang ipinapakitang dedikasyon ng mga atletang lalahok sa Paralympics ay tanda na hindi hadlang ang kapansanan para ipamalas ang kahusayan at makamit ang tagumpay sa iba’t ibang bagay.

Mababatid na maliban kay Ganapin, lalahok din sa 2020 Tokyo Paralympics sina Ernie Gawilan at Gary Bejino para sa swimming; Jerrold Mangliwan at Jeanette Aceveda sa athletics; at si Achelle Guion para naman sa powerlifting.

Sa huli, kinilala din ni Malapitan ang mga coaches na nagsasanay sa pambato ng Pilipinas para sa paralympics dahil sa walang sawa aniyang paglinang ng kanilang kakayanan.

Screengrab from Cong. Along Malapitan

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 56 Last